u/Jazzlike_Arm3388

▲ 5 r/GamblingPH+1 crossposts

Diko na alam

I just got paid today. Sahod ko. Ending ubos nadin agad. As in about 20-30 minutes ago lang. Nakatulala lang ako habang iniisip lahat. 3 days ago ahead pa ako ng P70k on winnings, only had 80k debt. Now, I lost the P70k that I won 3 days ago, after that I lost another P80K I got from SPayLater Cash advance and Sloan, Tapos yung P50k na sahod ko today lagas din. I still have cash on hand for expenses pero nawawalan nako ng gana dahil sa paulit ulit na cycle. Yung magsusugal ka - mananalo - then matatalo hanggang sa damay pati savings - stop for 1-2 months - relapse - tapos ganon ulet. Wala nang nangyare sa buhay ko, wala din akong kasama, walang kausap. Solo living lang talaga. Di rin alam ng parents ko to.

Akala nila nakakaipon ako kasi sinabi ko sakanila na nag iipon ako para bumili ng kotse na around P700k-1M ang presyo. Yan sana yung projected savings ko by end of year. Kaso lang dahil sa pagsusugal ko at pagmamadali ko na makuha yan, ending lalo pang mas nadedelay yung progress ko, this EOY baka ang abutin lang ng savings ko ay P250k-350K after debts. I earn P100K/mo and I'm 23 years old. Alam ko bata pa para sa nakararami jan pero tang*na sukong suko nako gusto ko na makawala. DI na ako to, wala na akong gana makipag socialize, parang ayaw ko na makita parents ko dahil sa hiya, walang confidence, di ko na magawa yung mga dati kong ginagawa, napapabayaan ko na rin sarili ko. Diko na alam. Ngayon nagbabasa lang ako ng mga experience ng mga tao dito para gumaan pakiramdam ko pero I had to also express myself here dahil ang bigat bigat, napakatanga ko at napakasinungaling. Walang wala narin akong tiwala sa sarili ko. Ilang beses ko nang sinabi na ito na yung last relapse ko pero ilang beses na nauulit yung ganito. Nagsimula akong nagsugal around start of pandemic, noon di pa ganon kalala, ngayon kasi lumaki narin yung sahod kaya lumaki yung stakes, at ngayon yung pinakamabigat sa lahat. IDK guys, help?

reddit.com
u/Jazzlike_Arm3388 — 8 days ago