Gigil ako sa mga pa-Victim
I think I've met the pa-victim final boss. Grabe nakakagigil.
I think I've met the pa-victim final boss. Grabe nakakagigil.
Context*
Nagwowork na po ako, 24F. Pero ang sistema bibigay ko buo sweldo ko sa mama ko. Nangungupit lang ako para may sarili din akong pera🥲 Sya nagbibigay pamasahe tuwing umaga. Nagbabaon ako ng kanin ulam pang lunch. Paglalaba ng damit sila na ng ate kong tambay sa bahay almost decade na di nagwowork kasi ayaw nya.
Kaninang umaga 500 yung pera, 200 pamasahe ko at 200 sa isa ko pang ate na nagwowork din at 100 sa isa ko pang kapatid na nag aaral pa. Iniwan ng ate ko yung 200 kasi walang barya. Binigyan ko na lang ng 100 yung nag aaral ko pang kapatid at kinuha ko na yung 500. Alas 6 na at malelate ako kung di pa ako aalis, sinabi ng mama ko, kanya pala yung 200 hiniram nya sa ate ko. Pang almusal nya daw kesyo wala silang pera sa bahay.
Pero sabi ko alas 6 na di pa nila pinabarya. Malelate ako. Wala din ako talagang extra na pera ngayon at 100 na lang talaga. Sinabi nya kunin ko na lang at umalis na.
Ganun nga ginawa ko. Tapos yan na lahat ng sinabi nya. Nakakagigil. Trato nya saming mga anak nya investments at dapat namin siyang i-angat sa buhay nyang naghihirap.