
First time namin bumili ng car, feeling namin iniipit kami ngayon ng Agent. What to do?
Context:
Nag-inquire muna kami sa 3 branches and nagpasend ng quotation saka kami namili kung saan kaming branch bibili.
1st quote: Cavite branch- 70k discount
2nd quote: Alabang branch- 120k discount plus optional insurance 38k
3rd quote: Balintawak- 155k discount
So tinimbang din namin based on freebies na bibigay samin ng 2 branches, and we decided to go sa Balintawak branch.
Cash namin binayaran sa casa Aug. 10. Pero we applied it as car loan sa office kaya sila na ang nakipagtransact sa branch during payment.
So nagsend sila ng Collection Receipt sa office namin then after that kinausap ulit kami ng agent na punta na lang kami sa casa kasi darating ang unit this August 17.
Pinuntahan din namin sya personally last August 15 to check the tint na ilalagay sa car na kasama sa freebies nila and wala naman syang nababanggit na any other concerns kundi waiting na lang sa pagdating ng unit.
Inaantay namin ang update ni agent kung dumating na ba ang unit kasi sabi nya nung last meet namin nung august 15, darating daw ang unit ng Aug. 17 pero itint pa so Aug. 18 pa namin pwede maiuwi ang car. Then kanina lang ng hapon, Aug. 17, tumawag si agent at sinabing nagkaroon daw ng “erratum” si Honda at yung discount daw na binibigay ay 70k na lang pero ginawan na lang daw nila ng paraan ng manager nya kaya napataas pa ng 130k ang discount samin. So need pa daw namin magbayad ng cash na 25k bago makuha ang unit. Tinanong ko kung nasa casa na ba ang unit, pero wala pa daw dahil sa sama ng panahon. Hindi daw nagdedeliver si Honda pag masama ang panahon.
So nastress ako kasi bakit bigla biglang pang may additional ibabayad at nababago pa ang presyo eh okay na nga kami dba? Closed deal na eh, release na nga lang iniintay tapos very last minute yung ganitong notice nila.
Is this some kind of agent fraud or strategy? Nascam ba kami? Bayaran na lang ba namin ung sinasabing additional fee or magrequest na lang kami ng refund? Please help us guys first time namin and hindi namin alam na merong mga diskarte pala ang mga agents. 2 na napagtanungan ko at ang sabi nila pareho “naahente” na daw kami 🥹. Totoo kaya? how can we deal this pahelp plssss 🥺