Relapse na may multi
28M
I am admitting it. I am a gambling addict.
Mahabang kwento from how it started hanggang ngayon.
Ever since na try ko ang online gambling.
My first online gambling was sabong na wala naman talaga ako interest pero natalo ng 100k na walang cash out. I stopped for awhile kasi wala nga interest sa sabong.
Then before nauso scatter sa online. May perya games akong nalaro nananalo naman nung una kasi mas sanay sa laro. Small bets palang non, pero sa dulo don na natalo rin. After non tumigil ulit. Nalaro ko rin yong airplane na nag mumulti then you press it stop sa multi na gusto mo. Una nanalo rin pero then same goes talo ulit kasi balak dagdagan pa panalo.
Then other sites came yan na yong may mga scatter. May nakita ako sa facebook na streamer about crazy time na game tried it 3 years ago. Nung una kong laro magkano lang cash in ko. 2digit bet nanalo ng 5digits because of a huge multiplier.
At dun na nag start ang kalbaryo. “Paano kung malaki taya ko pwedeng hundreds of thousands yon or even millions”.
So yong napanalunan ko bumalik lang din nag tangay pa thats 3 years ago
2 years ago naman lahat ng lost around 200k+ nakapag stop sa crazy time pero may sundot ng mga slots pero mababa lang cash in kasi di ko talaga trip slots.
Last year naman lost around 500k+ january to march. I was already winning 300k bawi nayong total talo ko sa sugal. Pero naghangad lang ako ng target amount. May 860k+ plus na ko sunod sunod na winnings for a couple of days na last cash it ko was 1k then it slowly grows everyday. Nanalo yong strat ko at pattern readings. Pero after my last win na 200k plus at the start of the day na isang tayaan lang. Don na ko inaalat nung nag hangad ako. Every spin was roughly 10k-20k every 30seconds. Pabalik balik until the house decided to collect all the winnings. In span of 2hours limas ang pera ko na hindi ko ma cashout gawa ng max ang gcash that was Feb 28 9am in the morning. Iang oras balang mag rereset na (wala rin way to link my bank account). After ko maubusan doon na sila nag drop ng bonuses. Which effin triggered me. A few days while thinking about it nakapag loan pa ako sa sloan. Talo rin. Pati savings ko sa maribank talo rin. Pero diko nagalaw main savings ko.
Sabi ko sa sarili ko tatayo ulit ako iipon for the car that I want, kasi gusto ko ma afford at ma achieve ang comfortable na transpo for my family na hindi nababasa at nabibilad sa init ng araw
Nakapg stop naman ako mag laro ulit ng crazy time. Ulti mo 500 takot akong matalo sa point na yon.
And last october I was able to loan a car. I save enough money for the down payment without touching my emergency funds.
Then this year came
Yong mga sundot ng slots. Gawa rin ng surroundings ko siguro kasi lahat ata ng tropa ko nag slots pero minimal lang.
Until dumating yong feb. ka kwentuhan ko lang yong kapatid ng partner ko about nga sa laro kong sugal na isang taon narin. Then I received bonuses, leave conversions. That night I had the urge to play pero diko tinuloy then I found out na nagbigay ng highest multi which is 20kX. Man that got me saying alot of foul words at nakaramdam ng malaking panghihinayang.
I didn’t play yet nung nalaman ko yon but after a month don na nag start. From 5k to 20k to 50k cash in. Nung una kinakapa ko pa strat. Talo or breakeven. Then sunod sunod na araw lahat talo 50k hanggang naging 200k+ na talo. Stop for a couple of weeks.
Then nung naglaro ulit doon kona nagalaw EF ko yong talo na 200k and up pa ng 200k. Pero diko nabalik kinuha ko sa EF ko pati sa savings ko.
Hanggang sa yong nga na cashout ko sunod nunod bumalik. Umabot lang ng 2days yong more than half million.
Then naubos ko rin EF ko. Nakapag loan ulit ako sa SLoan at ongoing repayment parin ngayon.
Then this month lang running 200k na rin talo ko.
With loan pa na added from maribank.
Nasa 1m na rin i think talo ko for this year. And I’m drowning in debt. Walang EF , walang savings.
I hit rock bottom. Na injured mga pakpak.
Nabigyan ulit ng sampal.
Ngayon lutang, Walang mapagsabihan. I lost my only parent, my mom 3 years ago. My partner knows my gambling but doesn’t know na I’ve lost it all.
Lost years of life, lost opportunities. Lost time, lost focus. Lost self awareness.
Ngayon I’ll try to get back up again. No more excuses.
Andami kong gustong gawin adami kong hilig na hindi ko magawa. Napangungunahan ng takot. Pero sa talo sa sugal hindi. Gusto ko mag tayo ng coffee specialty coffee shop. Gusto kong maging food vlogger yong may tunay na reviews haha. Gusto kong mag sulat ng kanta, tula or anything about creative writing.
Madaming pwedeng matalo sa larong sugal
Hindi lang pera ang winawaldas
Pati na rin yong mga oras na espesyal
Tara tayo, hakbang, lakad, takbo at laban para sa magandang bukas