
▲ 342 r/AtinAtinLang
Atin-atin Lang: Free Lactacyd Body Wash
Random lang, napadaan ako sa Mercury Drug sa 32nd St. BGC, yung malapit sa St. Luke's. Tapos sa may Lactacyd section, inabutan ako ni ate promodizer ng 60g Lactacyd Body Wash.
Sabi niya, "Libre lang po."
Ako naman: "Ha? Libre talaga?" 😂
Kasi baka naman ako lang yung nabingi. Hahaha.
Tapos sabi niya, if bibili ka ng any size ng Lactacyd (feminine wash or body wash), may FREE 500g Lactacyd Body Wash pa. I mean... sino ba naman ang aayaw sa libre? 😭
As if that's not enough, binigyan pa niya ako ulit ng free feminine wash. Tapos sabi pa niya, "Balik ka ulit bukas." HAHAHA.
Hindi ko lang sure if sa lahat ng Mercury Drug may ganitong promo kasi hindi ko na nachika si ate. Nagmamadali kasi ako. Pero if mapapadaan kayo, baka worth checking. 👀
u/Kind_Tough_512 — 2 days ago