OA lang ba ako kung ayoko nang makigpag-usap sa mga tao kung puro chismis lang din naman ang maririnig ko?
Kilala ako bilang isang "a ray of sunshine" girl. Palatawa kasi ako, nakikisabay sa jokes ng ibang tao, in short, magaling akong makisama. Pero hindi ako yung tipong talkative, yan kasi ang misconception sa akin eh. I rarely share, at mapili talaga ako sa mga taong pagkakatiwalaan ko. Siguro dahil na rin sa trauma ko kaya tuwing nararamdaman kong may "off," ayoko na talagang mapalapit sa taong 'yun. Simple hi at kumustahan, sapat na sa akin as a sign of respect.
Ayoko rin talaga tuwing may chismis akong nasasagap, HAHAHA! Kaya lang, alam naman natin na sa loob ng isang circle, hindi naman mawawala ang mga chismis na darating, kaso ayoko talaga. Palagi akong nagse-self-reflect kasi pumapasok palagi sa utak ko na parang napakahipokrito ko naman kung makikinig o sasali ako. In fact, ayoko talagang punain ang buhay ng ibang tao. Sa kanila yun eh, at may sarili rin naman akong buhay na dapat pagtuunan ng pansin.
Isang linggo ko na itong iniisip: OA ba ako kung ayokong makipag-usap sa mga kaibigan ko kung puro chismis o puna lang sa ibang tao ang ishe-share nila sa akin? Nagagalit na nga ako sa sarili ko minsan kasi nagmumukha na akong uninterested sa mga kwento nila.