Ayoko na maging panganay
Kaming magkakapatid, we grew up with an absent mother. Given na ako (f25) yung panganay, maaga akong natutong magluto, magasikaso, in short maaga akong tumayong bilang nanaya sa maga kapatid ko. Lahat ng luho nila basta kaya ko, binibigay ko. Pag may problema sila, lagi akong resdy tulungan sila kahit anong mangyari. Gusto ko kasi di nila mafeel na walang nanay, na di sila mag kulang sa kahit ano.
Kaso nakakapagod na yung disrespect.
Kasalanan ko din naman bakit sila nasanay kasi lagi ko pinapaglagpas. Naguiguilty din kasi ako na pabayaan lang sila pero kanina nagulat ako nung sinipa ako ng bunso namin (f13). Yung isang gitna, parang wala lang nakita.
Nakakapagod na yung disrespect na paulit ulit. Di ko alam pero naiyak ako, pag balik ko sa kwarto ko sobrang sakit lang sa pakiramdam na lagi ka andiyan tapos ganito pa mararanasan mo. I hope to move out soon and sana magkaroon ako ng courage mag set ng boundaries. Sobrang toxic. Nakakapagod maging panganay. Gusto ko kumawala ng di naguiguilty.