Why govt allow us to suffer
Bakit hinayaan ng gobyerno na masira yung buhay ng maraming tao dahil sa sugal, lalo na yung online gambling na sobrang dali ma-access?
Mas masakit pa, nilagay pa siya sa mga finance app na dapat sana tumutulong para makapag-ipon o makaahon ang tao. Pero sa isang pindot lang, pwede ka nang magsugal at mawalan ng pera. Ang dali niyang ma-access kaya ang daming nalululong.
Oo, may regulation na ngayon, pero parang too late na para sa marami sa amin. Ang dami nang nalulong. Ang daming nabaon sa utang. Kasama na ako doon.
Pagod na pagod na ako. Hirap na hirap na akong bumangon tapos baon na naman sa utang. Minsan mapapaisip ka talaga kung nasaan yung proteksyon para sa ordinaryong tao.
Sana hindi lang basta payagan at pagkakitaan. Sana may tunay ding suporta para sa mga taong nasira at gustong magsimulang muli.
Wala naman supporta sa mga nabaon sa utang dahil sa sugal. Hinahayaan nila yung gangong sistema, samntalang wala naman tayo safety net. 😭😭
-titang pagod 30F