NAKAKAPAGOD KAYO, CAF!!!
NAKAKAPAGOD KAYO. Hanggang ngayon, mas inuuna niyo pa ring isipin at protektahan yung reputation ng program at school kaysa pakinggan ang mga estudyanteng araw-araw na naaapektuhan ng mga desisyon ninyo. Ilang batch na ba ang dumaan na pare-pareho ang hinaing? Ilang taon na bang paulit-ulit ang mga issue tungkol sa evaluations, at delayed graduation? At sa dami ng beses na nilapit to ng mga estudyante, ano ba talaga ang nagbago?
Wala kayong narinig noong pinapasok niyo pa rin kami at pinag-exam kahit online dapat ang mode of classes dahil sa heat index. YOU RISKED OUR HEALTH. Tapos kung kailan nasa campus na kami, saka niyo kami pinapirma ng waiver. Para ano? May maipakita kayong papel if ever may mangyaring masama? Wala rin kayong narinig noong ginawa niyong 2 weeks lang ang preparation for the 3rd evals kahit kaya naman pa pala i-adjust dahil nagawa niyo sa 4th evals. Wala rin kayong narinig noong ginawa niyong magkasunod yung last 2 days ng 4th evals, na para bang hindi kami tao na kailangang mag-review, magtrabaho, magpahinga, at mag-function nang maayos.
Kahit noong nirequire niyo kaming mag-attend sa mga event, sumunod kami kahit na dapat nakalaan yung time na yun for our review. Kahit noong may mga review sessions na hindi napasukan ng ilang professors, nanahimik kami. Kahit noong kami na naman ang kailangang mag-adjust sa mga pagkukulang na hindi naman kami ang may gawa, kami pa rin ang umintindi.
AND LET'S NOT FORGET THE CHEATING INCIDENT. Until now, lahat kami apektado sa sitwasyon na hindi naman namin ginusto pero lahat kami nadadamay. The irony is that the leak DID NOT even originate from the students involved, yet students ended up carrying the burden of the consequences. The administration failed to secure confidential materials, but somehow it was the students who paid the price. Hindi niyo man lang ba naisip na yang cheating issue kada batch ay dahil sa bulok na sistema niyo?
And now, ilang days na lang before the removals, but wala pa ring malinaw na final decision. Kanina lang naipasa ang petition letter and based from the announcement, kayo ang magpapasa nito sa OVPAA na ang final decision ay nasa inyo pa rin naman. So how exactly are students supposed to be assured that it will be endorsed and acted upon immediately? How can we be assured kung wala kaming nakikitang concrete timeline? Kailan namin matatanggap ang resulta ng petition? Isang araw bago ang removals? Ilang oras bago ang exam? Or kapag wala na kaming sapat na oras para makapagdesisyon at makapagplano?
What makes this even more frustrating is the uncertainty. Hindi lang kami nahihirapan dahil sa removals mismo. Nahihirapan kami dahil hanggang ngayon, pinaghihintay niyo kami in just one decision that directly affects our academic standing, graduation timeline, financial situation, and mental health. Habang tumatagal ang katahimikan niyo, lalo lang tumitindi ang anxiety at pressure na nararanasan ng lahat.
Hindi niyo ba napapansin ang pattern? Every time something goes wrong, students are expected to adjust. Students are expected to understand. Students are expected to sacrifice. Students are expected to carry the consequences of decisions they never made. Pero kapag estudyante na ang humihingi ng consideration, biglang ang daming process, ang daming dahilan, at ang daming delay.
Nanahimik kami sa lahat ng iyan. Pinagbigyan namin ang lahat ng gusto ninyo. Kami ang laging nag-aadjust. Kami ang laging umiintindi. Kami ang laging sinasabihang magtiis. Kaya nakakagalit na ngayong simpleng request lang ang hinihingi namin, just one request that will help YOUR STUDENTS na gustong makapagtapos on time ay parang napakahirap pa rin para sa inyo na pakinggan.
NOT EVERY STUDENT HAS THE PRIVILEGE OF BEING DELAYED. May mga working students na kailangang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. May mga scholars na nakasalalay ang financial assistance sa academic standing nila. May mga pamilyang nagsasakripisyo araw-araw para maitawid yang gastusin sa pag-aaral. For many students, being delayed is not just an academic setback, it also means additional financial burden, additional emotional stress, lost opportunities, and sacrifices that their families may no longer be able to afford.
Hindi kami humihingi ng special treatment. Hindi kami humihingi ng pabor. Ang hinihingi namin ay transparency, urgency, at konsiderasyon. Because at this point, hindi lang removals at adjustments ang pinag-uusapan. Pinag-uusapan na rito ang kung gaano ba talaga kahalaga ang boses naming mga estudyante sa isang sistemang patuloy naming sinusubukang pagkatiwalaan.
WE HAVE ADJUSTED FOR YOU COUNTLESS TIMES. THE LEAST YOU CAN DO IS GIVE YOUR STUDENTS A CLEAR ANSWER BEFORE IT'S TOO LATE.