u/Left-Problem-5911

Problem/Goal: Nasugod sa ospital pamangkin ko at need ng surgery within 24hours, kung hindi, pwede syang mamatay

Context: Walang kwenta yung tatay ni piso walang binigay, pero may kotse at motor, nasa ibang bansa kamag anak, ni piso wala, tapos gusto pa magtyaga sa ospital na may 5-6 days waiting ng surgery kahit sinabihan na kami ng doctor na within 24 hrs need na sya isurgery.

Yung nanay, naglalakad-lakad sa social services sa Dasma at Trece.

Previous Attempts: Nagtry kami sa dalhin sya sa mga public hospitals, naka 5 public hospital kami pero yung need nya within 24hrs maoperahan kasi puputok na appendix nya which is nakamamatay, tapos yung schedule sa mga public hospitals nasa ilang araw pa, tried PGH, Manila East, Jose Reyes, Ospital ng Maynila, pero lahat pila pa talaga yung schedules ng surgery kaya no choice kami iprivate.

Nagawan ko ng paraan yung hininging downpayment samin sa ospital kaya natuloy yung operation nya pero no choice kami ibalik sa private, kasi oras na kalaban namin, sinabi na din ng doctor na baka di na sya abutin ng ilang araw kasi pwedeng ikamatay nya na agad once na pumutok na appendix nya.

Possible na bill nung pamangkin 200k+, baka may madvised kayo, san pwedeng lumapit at paano process para matulungan kami.

Ps to Admin. Asking lang po ako ng advice san kami pwede lumapit, not soliciting po. Thank you!

reddit.com
u/Left-Problem-5911 — 25 days ago