u/Left-Weird-5052

Image 1 — Maya change Number bc of Expired sim
Image 2 — Maya change Number bc of Expired sim
Image 3 — Maya change Number bc of Expired sim
Image 4 — Maya change Number bc of Expired sim

Maya change Number bc of Expired sim

Share ko lang yung naging process ng pag change number ko sa Maya baka makatulong sainyo.

May 3, nag expire sim ko kasi nalimutan ko loadan. Inuna ko asikasuhin change number sa ibang bank before maya kaya after ilang week ko pa bago naasikaso.

May 12, nag chat ako sa maya customer service sa app then may form na binibigay yung ai bot. Sinagutan ko lahat:

  1. Current number

  2. Ipapalit na number

  3. Reason ng change request

  4. Valid is back to back

  5. Signature tatlo

  6. Selfie na hawak ID

May 17, wala pa rin update and defective na rin pala yung simcard na pinalit ko so gumawa na lang ako ulit new ticket and nag contact din ako sa customer service para ipa cancel unang ticket ko since nagfile ako new ticket.

May 19, Nagclose yung 2nd ticket ko without resolution. Wala rin email about it so nag contact ulit ako sa customer service (sa app lang) dami hanash ng AI pero iinsist ko lang na gusto ko kumausap ng real agent. Di ko tinantanan hanggat di ako tinatransfer sa real agent ahahaha.

Customer service result:

- closed na raw yung ticket sa app pero processing pa naman sa end nila. Wait na lang daw 2-9days then

May 20, naka receive ako ng email saying "currently in the queue" na yung ticket ko.

May 21, today naka receive ako new mail na

"Your request to change of mobile number with 26** will be for processing today.

We kindly advise you to monitor your account throughout the day by logging in to your Maya App using your new mobile number." TYL medyo may nangyayari na

nag-antay lang ako ilang hours then tinry ko ilog in yung new number. Nag proceed sa face verification, SMS otp, change pass then back to log in. AYUNNNN NA OPEN KO NA YUNG ACCT. WITH THE NEW NUMBER

Bale 9days inabot ng process sakin. Tip ko lang, ilagay yung new sim sa phone na gamit mo pang submit ng requirements/chat sa customer service and keep your line open. May tumawag kasi sa new num ko after ko isubmit request. Sinagot ko lang tawag tas nag end kagad wala naman boses sa kabilang line so hindi rin ako nagsalita. Baka for verification lang yun kung active ang number na ipapalit. NOT sure lang ha, 1:02 kasi ako nagsubmit ng request 1:24 may tumawag. New sim naman to so di ko pa nagagamit sa ibang bagay. So baka part yun ng process.

Anyway, ayun lang. Sana makatulong sainyo. Grabe ang hirap kabonding ni Maya. Unlike sa Seabank pwede magchange kagad sa app, no need otp haha.

u/Left-Weird-5052 — 1 day ago