



WRONG PRODUCT + DAMAGED ITEM
Hello, ask ko lang if kelan ba to marerefund or ma p-process kasi nag file ako ng return/refund sa helmet na binili ko.
Di ko alam kung na scam ako nong seller or pinalitan ng rider basta magkaiba talaga yung product na binili ko at product na dumating.
HJC na helmet worth 4k+ kala ko paldo na ako kasi malaki yung discount yun pala hindi, HNJ pala na helmet yung dumating tapos may mga gasgas pa at damaged na parang kinuha lang sa mga naaksidente sa daan.
Tinawagan ko agad yung rider na nagdeliver sabi lang niya na irefund ko daw sa app and yun din ginawa ko. Pinuntahan ko agad yung drop off branch at binigay yung item. Scinan lang yung qr sa app at sabi don na wait nalang daw at irerefund na sa shopeepay. Question ko lang ano ba dapat gawin pagkatapos kasi walang ibang button sa app na 'Confirm' or ano. 'Cancel Request' lang andon.
Maghihintay nalang po ba ako???