
Seeking advice 🙏🏻
Hello po! Seeking advice/insights sa mga nagre-rescue ng strays.
May napapansin po akong aso sa labas ng workplace ko na may skin disease, palaging natutulog sa ilalim ng sasakyan, at madalas tabuyin ng mga tao. Sobrang naaawa ako lalo na pag umuulan, kaya tuwing may duty ako, nagdadala ako ng extra pagkain para sa kanya. Direct-fed naman siya ng chicken, pero medyo mailap pa at ayaw pa pahawak sa ulo.
Gusto ko sana siyang tulungan at ipa-vet kaso kakamatay lang ng dog ko last month kaya medyo tight pa ang budget ngayon (https://www.reddit.com/r/dogsofrph/s/Jaj6WVYXKg) 🥹
Sana po may makapag-share:
- Ano ang first steps/first aid na pwede kong gawin para sa skin disease habang hindi pa nakakapag-vet?
- Tips para mas paamuhin at mapalapit siya nang safe para mapainom ng gamot o mapaliguan?
Yung white dog may owner sa tapat ng workplace ko, pero pinapabayaan lang nila. Natatakot din ako kausapin o i-confront yung owner kasi mukhang masungit sila 😞
Salamat po nang marami! 🙏✨