u/LouiseCollins

Image 1 — Solo Activity Chronicles: Mag Munimuni sa Festival Mall
Image 2 — Solo Activity Chronicles: Mag Munimuni sa Festival Mall

Solo Activity Chronicles: Mag Munimuni sa Festival Mall

Isang payak, payapang hapon sa Festival Mall.

Tahimik ang paligid.
Ngunit ang katahimikan nakabibingi.
Bawat hakbang ay tila may hinahabol.
Bawat sulok ay may alaalang ayaw magpaiwan.

Maganda ang paligid ngunit bakit tila may bigat na hindi maipaliwanag?

Saka ko naunawaan…
Sa bawat sulok ng Festival Mall,
ikaw ang nakikita ko.

Sa bawat paglingon,
nakikita ang mga ngiti mong minsang para sa akin.

Sa bawat pag-abot ng aking mga kamay,
ang mga kamay mo pa rin ang kusa nitong hinahanap.

Dati,
ikaw ang kasama kong naliligaw sa mga pasilyo,
walang pagmamadali,
walang ibang iniisip
kundi kung saan tayo susunod na kakain.

Sa TGIF, sa Tim Horton, sa Rossopomodoro,
sa pagitan ng tawanan at mga simpleng usapan,
at akala ko,
ganito na lang tayo palagi.

Ngayon,
may iba nang humahawak sa kamay mo.

At ako,
nandito pa rin.
Nakakulong sa mundong tayo ang minsang bumuo,
habang ikaw,
matagal nang nakalabas.

u/LouiseCollins — 24 hours ago