u/LucyPussNamonie

SC discount for single order over 250 pesos
▲ 233 r/jollibee

SC discount for single order over 250 pesos

Nag order yung kapatid ko na senior sa jabie. Bali 1 pc chicken na may spaghetti. Dahil nag upsize ng fries lumagpas na ng 250 pesos yung meal.

Bakit yung sc discount computed lang sa 127 pesos tapos yung pax naging 2?

Obvious naman na pang 1 tao lang ito at yung senior naman ang kakain.

Maiintindihan ko na partial sa mga group / shared meals (platter for 4 tapos 1 lang yung SC). Fair naman yon. Pero bakit ginwang 2 pax yung pang 1 tap na meal?

Sa mga kumukuha ng SC o nagoorder para sa mga SC, paki check yung resibo nyo. Madali nang tamaan yung 250 sa jollibee ngayon.

Update jul 5 : nag post na ako ng inquiry sa website ni jabie kung ito ba talaga interpretation nila sa pag apply ng SC discount. Update ko ito sa reply nila

u/LucyPussNamonie — 3 days ago