
Ano po ba masasabi nyo?
Ganito po kase nangyari. Normal na takbo lang naman ako, may sakay akong 2, nanay ko sa likod ko kapatid ko naman sa loob ng sidecar. Bali motorcycle po ang sakay namin. Meron po lalaki bumangga samin sa likuran, nayupi po yung bandang likod ng sidecar. Lasing po yung driver. Huminto po ako sa gilid para tingnan yung tama, pero yung naka bangga po umalis. Sinundan naman po namin at naabutan. Ngayon po mahirap talaga kausapin dahil lasing. Pumunta naman po kami agad sa baranggay. Buti nalang kung saan kami na bangga eh halos katapat lang din ng barangay hall at nakita ng mga taga barangay kung ano yung nangyari. Ang tanong ko po kase ganito. Wala po kase akong lisensya, eh kami po ang na bangga. Kung sakali po ba may lisensya yung lalaki ano po ba kung sakali yung habol namin?