u/Material-Selection92

Inactive MCGI (so saan ang tunay na daan?)

So ano religion n'yo ngayon? Base sa mga nababasa ko dito puro din naman kasamaan at panglilibak ginagawa n'yo eh. Pinag-iisipan kong maigi kung babalik paba ako sa MCGI and sana magkaroon man lang ng guide or sign ang Dios sa nasa ng puso ko. Pero saan ako pupunta? Sa INC? Eh galing na ako doon kung ano mga nasasabi sa MCGi ganun din maririnig mo. Saan sa Katoliko? Katolikong mali-mali aral? So saan ba???

So ano na religion mo ngayon? Sige nga share mo nga kung may kaligtasan d'yan! ibahagi mo naman oh! Kung walang kapintasan d'yan ibahagi mo naman oh! Kung d'yan may kapayapaan at puro pag-ibig at smooth magiging buhay, Hindi hadlang sa work, pagkain o mga bawal bawal ibahagi mo naman! Huwag mo naman ipagdamot ang tunay na Iglesia.

I'm dead serious, inactive ako simula pandemic. Bumalik Ako nung namatay si brad Eli pero di rin nagtagal nawala ulit ako. Saan ba dapat? Kase di ko kaya mabuhay kung walang Dios :(

Sana may sasagot na matino salamat sainyo 💜

(At kung may atheist man dito na sasagot di ko kailangan ng opinion mo!)

reddit.com
u/Material-Selection92 — 3 days ago