u/MidpointMatrix

Gigil ako sa mga utang nang utang tapos di naman binabalik!

Gigil na gigil ako kasi yung kapatid ko, ang laki na ng utang sa'kin. Umabot na ng 6 digits. Kesyo kinapos sa bills, pang-grocery, o kung ano mang emergency. Pero alam n'yo kung saan napunta? Sa K-pop concerts at merch! Punyeta! Hindi n'yo naman ikamamatay kung hindi n'yo mapanood 'yan!

Pag ako ba ang naghirap, tutulungan ba ako ng mga idols na 'yan? Pag ako ang nangailangan, wala naman akong maaasahan sa inyo. Ako na lang lagi ang gumagawa ng paraan. Mga pabigat at walang silbi!

reddit.com
u/MidpointMatrix — 20 hours ago