Okay lang ba ang 2 Months ADB kung may 50k pondo noong September pero nabawasan nitong October dahil sa daily expenses?
Hi guys! Ask ko lang sana yung thoughts niyo para sa paghahanda ko sa PH Immigration this coming November bound to Malaysia (vacation lang naman).
Gusto ko lang maging ready sa documents para iwas kaba sa IO. Balak ko kasing kumuha ng Bank Certificate ngayong November na may 3 Months ADB (Sept-Nov). Personal savings account ko lang to hindi payroll, and ako mismo nagde-deposito ng money rito galing sa allowance nabinibigay ng husband ko.
Ganito kasi yung naging takbo ng account ko
Sept 16 : onwards Pumasok yung ₱50,000 kaya naging ongoing yung laman nung Sept 16, 17, 18, and so on. Nagsimula siyang mabawasan noong September din, pero paunti-unti lang talaga yung bawas para sa daily expenses.
October : Dahil gradual lang yung bawas, umabot pa talaga siya ng October bago tuluyang na-zero yung balance ko kamakailan lang.
Oct 16 : Malalagyan ko naman siya ulit ngayong darating na October 16 at sure na, na may maiiwang pondo dun hanggang sa flight ko sa November.
November: Dito ko na balak i-print yung cert sa bank para may laman at active ulit yung account.
Red flag ba sa IO kung nag-zero yung account ko pansamantala ngayong mid-October? And since hindi siya payroll account at galing sa asawa ko yung funds, ano yung best proof na pwede kong ipakita sa IO para patunayan na hindi ito "show money" at sapat talaga yung financial capacity ko for the trip?