
Atome Due - Payment Restructuring
Hi any advice po or information mga ka-OD about payment restructuring ni Atome Card? Meron akong 19k na need bayaran this coming July 11 and I already emailed them regarding my request for payment restructuring. At first, nagreresponse naman sila pero nung nanghihingi na sila ng documents nagreply ako na wala akong docs na mapapakita and ayun mula nung friday wala na ko nareceive na reply sa email. Consistent naman ako magbayad sa kanila ng ganyang kalaking amount kaso dahil sa tapal system nagulo yung budget ko. Taga metro manila lang ako medyo worried ako sa home visit if ever na maoverdue ako and magcall sa contact reference na nilagay ko though sa pagkakatanda ko is hinulaan ko lang yung mga number na nilagay ko dun. Wala naman akong balak takbuhan or whatsoever gipit lang talaga ako ngayon, any advice would be greatly appreciated.