Di ko na alam anong sasabihin ko tuwing gusto nila pumunta sa bahay
Problem/Goal: Hindi ako nagpapunta ng friends ko sa bahay.
Context: Nung elementary and highschool ako nagpapapunta ako ng friends sa house occasionally. Pero ngayon na nag college ako parang nahihiya na ako magpapapunta sa bahay. Lagi ako binibiro ng mga friends ko na gusto pumunta pero lagi ko sila dinedecline. Siguro dahil hindi naman ganun kagandanhan ang bahay namin plus magulo talaga. Naglilinis naman ako kaso nga lang ang Nanay ko ay hoarder. Hirap na hirap siyang magtapon ng mga gamit kahit di naman niya kailangan.
Nahihiya rin ako kung ano pa ang isasagot ko tuwing sinasabi nila gusto nila pumunta sa bahay. Tsaka wala rin kaming sala kung saan pwede sila mag tambay.
Sana magkaroon na ako ng maayos at malinis na bahay kung saan freely ko maiinvite mga kaibigan ko hahaha
Previous attempts: ilang beses ko na sinabi na wag na at wala tayong gagawin dun (which is totoo naman) pero ganun pa rin
EDIT: grammar