u/Nyawrko

NPC ng sarili kong buhay

Inggit na inggit ako sa mga taong may pangarap at gustong maabot sa buhay. Yung may bagay na ibibigay nila ang best nila para ma-achieve.

Ako kasi kumikilos lang, hindi dahil may kulang or may pangangailangan, kumikilos lang dahil wala lang.

Lagi lang akong "average" sa mga bagay na ginagawa ko, mapa sports, academic, or kahit sa mga online games. Kung papasa or mananalo, go. Kung hindi papasa or matatalo, okay lang din.

Inggit na inggit ako sa mga taong binibigay nila yung best nila. Kasi ako? Hindi ko alam kung saan ako magaling at hindi ko din alam kung ano ba talaga amg gusto kong marating.

reddit.com
u/Nyawrko — 2 hours ago