ABYG kung iblock ko buong pamilya ko dahil sirang sira na ang mental health ko?
Currently struggling to pay my debts that is 500k+ hindi pa kasama interest, nagbabayad naman pa konti konti pero hindi talaga nababawasan and I’m literally drowning, if curious kayo san nagastos ang pera at bakit umabot sa ganto? sa pagpapagawa ng bahay dahil pinalayas kami ng mga anak ko sa family house dahil nag away kami ng mama at kapatid ko, panloloko samen nung Ex ng partner ko sa sustento (may anak sila pero nam@t*y sa kapabayaan), na fraud yung credit card ko (Bin attack), binilhan ko ng mga gamit pang contruction ang tatay ko pero hindi ako binayaran kahit may contract siya at malaki ang cut, tuwing may okasyon ako halos ang sumasagot to the point na kahit wala akong extra ginagawan ko nang paraan para may pang handa sa kanila. Ngayon nag kaaway ulit kami ng kapatid ko , wala siyang anak pero nakatira pa din sa puder ng magulang ko at may live in partner na unemployed, nag kasagutan sa chat at ayun nauwi na sa labasan ng baho, laging pang bala sakin kapag nag aaway kami ay yung mga demand letters na dumadating sa parents house ko. Sasabihan pako na “bakit hindi ka nalang mag pakam@t@y” “karm@ ng kayabangan mo yan” “mag l@sl@s ka nalang ulit” I have a history nang pagiging suicidal kasagsagan ng pandemic nag counseling naman ako pero ngayon pakiramdam ko sariling pamilya ko pa gustong mag baon sakin 6 ft under the ground. Lumalaban ako para sa mga anak ko sa totoo lang pero baka sa susunod totohanin ko nalang. Pinagtutulungan nila akong lahat na para bang wala akong nagawang tama. Abyg kung iblock ko nalang silang lahat at isipin na wala akong pamilya?