u/Objective_Letter_354

▲ 37 r/laguna

Sana makabalik na si Mayor Najie 🙏

KUMPIRMADO ANG SUSPENSION ORDER LABAN KAY VICE MAYOR JUSTIN COLAGO

Kumpirmado na umano'y naglabas ang Office of the Ombudsman ng isang suspension order laban kay Vice Mayor Justin Colago kaugnay ng kasong graft at corruption na may kinalaman sa umano'y "ghost employees," na isinampa ni Mayor Najie Gapangada.

Ayon kay Mayor Gapangada, sa kanyang pakikipag-ugnayan kay DILG CLGOO Maria Alma Barrientos, nakatanggap na umano ng kopya ng suspension order ang DILG. Gayunman, hinihintay pa ang pormal na direktiba mula sa DILG Central Office bago ito maihain at maipatupad.

Ipinahayag din ng alkalde na hindi niya maiwasang mapansin ang pagkakaiba sa naging proseso ng paghahatid ng suspension order kumpara sa naging karanasan niya noon. Sa kabila nito, nananatili ang kanyang pagtitiwala na mananaig ang patas at makatarungang pagpapatupad ng batas.

Samantala, umaasa si Mayor Najie Gapangada na siya ay makababalik sa kanyang tungkulin sa lalong madaling panahon upang ipagpatuloy ang paglilingkod sa mamamayan ng Lungsod ng San Pablo.

u/Objective_Letter_354 — 21 days ago
▲ 49 r/laguna

Enjoy the money po, konsehal Carmela Acebedo! Labor day pa ngayon double pay ang mga ghost employees 🐊🐊🐊

u/Objective_Letter_354 — 4 months ago