u/Odd_Character_8878

Think twice before you accept the 5$ and below rate offer.

Ito lang naman ay opinion ko, dahil sa mga VA na nag accept ng offer na 5$/hour and below rate ay nasisira na ang industry at mga VA din mismo ang nagdudusa, paano nakakasira? Kasi iniisip na nila na okay lang mag bigay ng ganung rate tapos napakaraming task.

Ngayon dumadami ang mga client na sa Pilipinas kumukuha ng VA dahil sa stereotype na okay lang magbigay ng gantong rate. In my opinion if you want to be a VA and willing ka kumuha ng 3$-5$ rate try mo muna mag CSA or mag apply sa any BPO din sa pilipinas dahil yan din ang range na maibibigay nila, if reason mo kung bakit gusto mo mag VA dahil WFH - may mga local din nagooffer na WFH, the goal is not to get foreign client kung ang rate is 5$ and below at para may skill din mahubog while wala pang malaking offer.

Sa gantong paraan matutulungan natin ang industry at ang sarili natin. Ang mentality na "for the experience" kaya kinuha yung offer kahit mababa ay hindi maganda, dahil pwede naman for experience at tama ang rate. Wag mag papa lowball.

reddit.com
u/Odd_Character_8878 — 4 days ago