Makakalipat pa kaya ako?
Nagtraining ako for 6 months para sa isang bagong barko at nabigyan ng chance makasampa natapos ko yung isang kontrata ng maayos ff sa pangalawang kontrata nagkaroon ng problema nagrerequest ako na ilipat na sa morning shift dahil 2 buwan na ako sa night shift at nagccause na ito ng stress, insomnia at anxiety. Hindi ako pinayagan at mas naging mahigpit sila sakin nalipat ako ng area at mas malaki ito at mas maraming duties dati by partner ito at dalawang tao ang gumagawa at nabago dahil sa bagong patakaran nung una kong kontrata iba pa ang systema sa area na to pero nung nalipat ako ngayon mag-isa at mas komplikado na sa pangalawang araw ng pag duty ko sa area sinalubong ako ng sermon ng foreign boss dahil sa mga kalat sa storage na hindi ko kagagawan at nag aadjust pa lang ako dahil walang hand over na pagtuturo ang naganap. Sa mga sumunod na araw may mga pumupunta na boss at nagoobserve at makikita na nag improve na at nalinis ko ang area kumpara sa huling naghandle pero may bagong boss na hindi pa rin nasatisfy at nagmanman for 1 hour sa kilos ko. Natrauma ako at hindi ako naging okay sa araw araw na trabaho dahil sa nangyari dahil ginagawa ko ang best ko malinis ang area. Naramdaman ko yung lungkot at nagdecide na hindi na maganda for my mental health yung nangyayari. Nagpaclinic ako at nirequest na mag early disembark dahil sa nararamdaman ko.
Binalikan ako ng mga desisyon ko at nagcause ng mababang grade sa crew appraisal form. Hindi talaga maganda mga nakasulat at halatang disappointed at nawala lahat ng papuri at pasasalamat nung nakaraang first contract.
Hindi na siguro ako makakalipat kasi hindi na tatanggapin yung appraisal ko sa ibang barko.