u/Ok-Lab-1820

Best Time for GYM

22M ako and around 4 months pa lang akong consistent sa gym, so beginner pa rin. Need lang sana ng advice.

Night shift ako (WFH), 10 PM to 7 AM. Ang routine ko ngayon is derecho gym na agad after shift para hindi na ako tamarin. Usually 1.5–2 hours ako sa gym, then nakakauwi ako around 10–11 AM. Tulog ko is around 11 AM or 12 PM hanggang mga 8 PM.

Ang concern ko lang is minsan sobrang nanghihina at inaantok ako habang nagwo-workout after shift hindi ko alam kung normal bayun.

Sa tingin niyo, mas okay ba na:

  • Derecho gym agad after work kahit medyo pagod?
  • O matulog muna ako tapos gym na lang pagkagising (cons din nito maraming tao sa gym sa hapon/night)?

Additional concern din, alam kong hindi ko naaabot yung recommended protein intake ko every day. Budget constrained din kasi kami sa bahay, at kadalasan kung ano lang ang niluluto ng kapatid ko ang kinakain ko. Madalas canned goods lang o kaya mga madaling lutuin tulad ng tocino, siomai, o shanghai mula sa Dali.

Sa tingin niyo, gaano kalaki yung epekto nito sa progress ko? Worth it ba mag-protein shake muna kahit hindi pa ganun kaayos yung diet ko, o may iba pa kayong mairerecommend na budget-friendly na sources ng protein?

reddit.com
u/Ok-Lab-1820 — 3 days ago

Return of Service (ROS)

Hello po! DOST Merit Undergraduate Scholar graduate po ako. Need ko lang sana ng opinion or advice tungkol sa Return of Service (ROS).

After graduation, nahirapan po akong makahanap ng work kaya nag-work muna ako sa isang BPO company for 6 months. Based sa nababasa ko, since locally employed naman ako noon, mukhang counted naman po iyon sa ROS.

Ang concern ko po ngayon is VA na ako. Client-based na yung work ko (foreign client), wala akong Philippine employer, at hindi rin ako currently naghuhulog ng taxes or government contributions.

May naka-experience na po ba ng ganitong setup? Na-credit po ba yung ROS ninyo? Ano po ang ginawa ninyo at sino ang dapat i-email sa DOST para ma-confirm kung counted ang current work arrangement?

Antagal ng pending ng application ko sa FB Group ng DOST CALABAARZON Scholar Graduates huhu

reddit.com
u/Ok-Lab-1820 — 5 days ago