u/Ok-Substance2158

Si panganay ang sumalo

December 2025 hindi na consistent ang pagpapadala samin ng tatay ko bilang ofw sa dubai. Dahil na lay off sya sa trabaho at nawalan ng visa. Fast forward Feb nakahanap naman na sya ng work kasi yung inadvance nyang payment para sa visa nya ay palagi kinakaltas sa sahod nya. Kaya inobliga nya kong ako na lang muna daw magbayad ng 15,000 renta at allowance sa bahay. Hindi naman ganun kalakihan din sweldo ko.

Sinalo ko lahat at ngayon baon sa lending apps, spaylater at loam sa mga tao. At 25 wala pa kog naiipon kundi sama ng loob.

Pag sinasabi ko sa kanya na kung pwede magpadala na sya. Nagsesend ng voice record at sinasabing wala nga daw sya maipipilit na maipadala.

Hirap na ko. Frustrated na ko. May part time ako pero pasulpot sulpot lang.

reddit.com
u/Ok-Substance2158 — 1 day ago