u/One_Direction7462

Freedive Competition

Mag-rant lang ako on behalf of my friend na nag-staff sa isang competition sa Batangas.

Magkano ba talaga ang kinikita ng organizer sa ganitong competition? Nakakalungkot kasi hindi man lang nabigyan ng sahod yung kaibigan ko, kahit ilang araw siyang nagtrabaho para sa isang malaking event. May mga abusadong organisasyon pa rin pala na puro pansariling interes lang ang iniisip.

FYI, hindi lang siya ang hindi nabayaran — marami pang ibang staff ang hindi nabigyan, at hindi lang ito nangyari ngayon kundi pati sa mga nakaraang events nila. Hindi kami naniniwala sa palusot na “for transparency, walang kinita yung event na ’to.” HELLO! Five digits ang registration fee tapos sasabihin mong walang kinita? Kapwa Pilipino pa ang binuburaot mo? Buti pa yung mga foreigner na dinala mo, binigyan mo pa. Nakakahiya.

Sa mata ng ibang tao, oo, nakakabilib yung event. Pero sa mga staff at tumulong sa inyo, kawawa ang trato. Mahiya ka sa mga taong tumulong sa inyo!

Outside freediving — mga professional yan, tapos buburaotin nyo lang? Kadiri.

reddit.com
u/One_Direction7462 — 3 days ago