Pagod na si Ate.
Oo. Pagod na pagod na ko.
Ako ang nag aalaga sa lola namin na hindi na nakakalakad. As in, hindi na sya nakakatayl na mag-isa. Pero halos kailangan na syang buhatin. Natutulungan naman ako ng kapatid kasi kasama namin dito sa bahay. Pero ta***na yung isang pinsan ko. Wala man lang maitulong, pabigat pa.
Sa umaga, maaga kong gumigising para bumili ng uulamin namin sa maghapon. Magluluto ng almusal, papakainin si lola, papaliguan, maglilinis ng bahay, magsasalang ng labada sa washing, tapos magluluto ng tanghalian.
Sa tanghali pagkakain, nakakapahinga naman kahit pano.
Sa gabi, ganon ulit, magluluto, lilinisan si lola.
Nakakapagod.
Hindi yung pag-aalaga, hindi yung pag-aasikaso.
Nakakapagod na ako na nag-iintindi sa lahat pero yung mga kasama mo, kung hindi pa ko magparinig ni hindi man lang magsaing. Ni hindi man lang maghugas ng kinainan. Iintindihin mo na nga kakainin nila, mapili pa. Pag ayaw yung ulam, lulutuin yung egg, bacon o hotdog na niready ko para sa breakfast kinabukasan.
Kapag may pagkain ako, o merienda, lahat sila kasali.
Nakakapagod.
Nakakasawa na.
Ngayon umaga sumabog na ko.
May pinagkainan ng mcdo sa basurahan.
Kumain sila kagabi nung tulog na ko. Hindi masama ang loob ko na hindi ako nakakain. Masama ang loob ko na hindi man lang nila naalala si ate na bilhan kahit isang burger. Ni hindi nila naisip na ako na gastos at kilos sa lahat dito sa bahay pero di ako naalala kahit isang burger lang. Nakakatawa na nakakaiyak.
Nagluto ako ng almusal, pang almusal lang namin ng lola ko. Bibili na lang siguro ko ng lutong ulam para saming dalawa mamayang tanghalian. Bahala na sila. Ayoko na.