u/Other_Ad9755

Di ako pinapabayaan ni God.

Hi, I'm 25M. Siguro 1 week sober pa lang.

Ang daming nangyari sa loob ng isang linggo.

Last mid-June, nawala sakin yung 300k dahil sa sugal. Sobrang down ko nun. Hindi ako makapag-work nang maayos, hindi kumakain sa tamang oras, at hirap na hirap matulog. 300k is a huge amount for me, lalo na minimum wage employee lang ako.

Pero dun ko rin na-realize na hindi pa rin ako pinabayaan ni God.

May dumating na opportunity na hindi ko ine-expect. May isang tao na gusto akong kunin para magtrabaho sa kanya. Binigyan niya ako ng 5 months' worth of salary para makapag-resign ako at makapag-focus sa pag-aaral ng bagong work. Siya rin ang nag-fund ng lahat ng courses, tools, at resources na kailangan ko.

Tinanong ko siya kung bakit niya ginagawa lahat ng yun. Ang sagot niya, kinausap daw siya ni Lord na tumulong sa iba, at ako yung napili niyang tulungan.

Ngayon, 1 week sober na ako.

May nabasa rin akong quote sa Facebook na tumatak talaga sakin:

"If you keep doing what you've always done, you'll keep getting what you've always gotten. Change will not happen in your life unless you change first."

Sa tuwing nagkaka-urge akong magsugal ulit, yan ang lagi kong binabalikan.

Kasi alam ko, kapag bumalik ako sa sugal, babalik lang din ako sa parehong cycle. Akala mo mababawi mo yung nawala, pero sa huli mas marami ka pang mawawala.

Hindi pa ako successful. Nagsisimula pa lang ulit ako. Pero ang isang bagay na sigurado ako, ayokong bumalik sa buhay na kontrolado ng sugal.

Sa mga lumalaban din sa gambling addiction, isang araw lang muna. Kaya natin 'to.

reddit.com
u/Other_Ad9755 — 21 hours ago

Need someone to talk.

Nanalo ako today mahigit 427k kaso di ako tumigil natalo partial amount. May natitira pa kong 240k. Nagkakaroon ako ng urge na mag all in ng 100k. Pls help me.

reddit.com
u/Other_Ad9755 — 12 days ago