u/Over_Beyond2276

▲ 25 r/BPOinPH

Pinapapasok ng TL kahit mataas ang baha

Hello po everyone, magtatanong lang po sana ako kung ano ang best na gawin sa situation ko.

For context, naka-WFH po ako for several months na. Last night, na-over lunch po ako ng around 30 minutes dahil sa sobrang pagod—nakatulog po ako at hindi narinig yung alarm. Nasa agreement naman po namin na kapag may OB or over lunch, may possibility na maibalik sa onsite, kaya minessage po ako ng TL ko na kailangan ko nang bumalik sa site. Naiintindihan ko naman po since kasalanan ko rin po na hindi ako nagising.

Ang concern ko lang po ngayon is sobrang lala ng baha dito sa amin, hanggang bewang po. Nag-try po akong mag-arrange ng shuttle para makapasok sana, pero nag-message yung driver namin na hindi raw po sila makakapag-shuttle dahil nasiraan yung van. For safety reasons, hindi na rin po nila pinilit bumiyahe.

Sinabi ko naman po agad sa TL ko yung situation at yung tungkol sa shuttle, pero hanggang ngayon wala pa po siyang reply. Hindi rin po possible mag-commute dahil wala nang available na byahe sa ganitong oras, at hindi rin po ako makapag-Maxim dahil hanggang bewang pa rin po yung baha dito.
Ano po kaya ang best na gawin sa ganitong situation? Naiintindihan ko naman po yung decision na ibalik ako onsite dahil sa over lunch, pero currently hindi talaga safe at physically possible para sa akin na makapunta sa site. Any advice po? Thank you!

reddit.com
u/Over_Beyond2276 — 3 days ago