About to get married very soon
Problem/goal: Wala akong mapagsabihan or mapaghingan ng advice sa kahit sinong family or friends kasi una, nahihiya ako, saka pangalawa, iniisip ko baka may bias sa mind nila
Hello Redditors. First time to post about anything and throwaway account ito.
I found out that my husband-to-be watches yung mga IG girls na malalaki ang hinaharap at ang mga peaches. IYKYK. It got me so upset kasi naging issue na namin to before (di pa ata kami engaged at the time) saka nagalit na ako sa kaniya. Siyempre ang response niya ay “sorry”, “I love you”, saka “di na ulit manonood”. Pero after niyan, ako na lang nag adjust. Di na ako nakikialam sa IG profile niya.
Context: A couple of days ago, nagising lang ako ng madaling araw, Idk. So nag phone lang ako. Tapos di ko alam kung anong naisipan ko, parang gusto ko lang icheck yung watch history niya. Tapos dun ko na nakita yung mga sunod sunod na videos ng multiple girls, same girl sunod sunod, then after a couple of other videos, ibang girl naman sunod sunod ulit. Pero laging ganun, malaki joga, malaki ang peach, tapos either nagsasayaw or kung anuano ginagawa, typical IG girl. Tapos ewan para akong nanlumo na ewan. Sa inis ko, chinat ko siya kahit katabi ko lang siya pero tulog kasi siya. Tapos nag send lang ako ng isang screenshot, tapos inisa-isa ko mga accounts nung mga girls na pinanood niya.
Nung nagising siya, nagpretend akong tulog kasi ewan parang nasusuya ako sa kaniya. Nagreply siya, sorry daw, nadaanan lang daw niya yung mga video, tapos di na daw uulit. Typical reaponse kasi narinig ko na dati. Tapos uminit pa rin ulo ko. Why? Kasi “nadaanan” lang daw, pero pag nag sscroll through ka sa IG, hindi naman nadadaanan lang mga videos ng iisang account lang diba? Kailangan mo puntahan account niya para panoorin yung mga videos.
A little background: we’ve been living together for quite some time, tapos since we’re getting married, we stopped having sex until our wedding night. He’s generally kind, masipag, super busy sa work and sa side jobs plus may time maglaro sa gabi with friends. Walang kaso sakin, kaya nga ang gulat ko na may time pa siyang manood ng mga ganun kasi parang pagod na pagod siya lagi. Itong before wedding lang kami hindi nagiging intimate, I never withheld sex from him before.
Alam ko sa sarili ko na di naman ako panget, malaki din hinaharap ko pero di kasinglaki nung sa mga pinapanood niya. Own struggle ko na before yung self-confidence ko na naovercome ko naman by myself and parang natulungan niya din ako in a way. Pero after nito, ewan parang bumabalik nanaman yung issues ko with myself.
Di ko alam ano pang ibang relevant information. Yung mga specifics, di ko na masyado babanggitin or di ko na binanggit kasi nga throwaway lang.
Tapos ito na, ilang days na yung lumipas, pero parang hindi ko na kayang maging sweet sa kaniya. Pwedeng for now, pero ang takot ko, baka hindi ko na mabalik. Kada kasi titignan ko siya, parang hindi ko mapagconnect yung ginawa niya sa physical self niya. Alam ko parang ang OA kasi nanood lang naman diba. Pero ang pakiramdam ko kasi, para akong nasusuya sa kaniya kasi ganito yung mga nababasa ko about sa ibang guys tapos suyang suya ako kasi for me para siyang form of cheating.
Yung pakiramdam ko ngayon para akong brokenhearted, pero yung dynamic namin dito sa bahay parang normal lang, di ko alam. Sinasabi ko sa kaniya na galit ako pero para akong nonchalant lang sa pagkagalit. Pero hindi na ako sweet sa kaniya. Ayoko din mag initiate ng talk kasi lagi na lang ako nagiinitiate ng talk. Pakiramdam ko, para sa kaniya, okay lang kami kasi di ako nagagalit nung normal na pagkagalit.
Previous attempts: Pano na to, malapit na kami ikasal, di ko alam ano gagawin ko kasi araw araw na lang simula nung nalaman ko yun, parang ok ako pero parang biglang magrerelapse