u/Own-Personality-2885

tips for filo concert goers para iwas hassle sa concert day

i know (and i think we all know 😭) na madalas hassle ang concerts dito sa pinas. bukod sa mainit, mahaba pila, at siksikan — madalas sisi agad sa organizers. pero after going to A LOT of concerts, narealize ko din na minsan may small things din from concert goers na nakakadagdag sa gulo at bagal ng flow 😅

siguro napuno lang talaga ako nung d1 & d2 con ni Daniel Caesar kasi hassle nung strapping flow because of the fans 😭

ilang beses na sumisigaw yung kuya bouncer/marshalls na umatras sa line at mag one person at a time muna para bumilis, pero crowded padin sa harap.

sobrang gulo na nga ng sistema sa pinas 😭 kaya kahit small things lang na kaya nating gawin as concert goers, malaking tulong na para mas maayos flow ng events for everyone.

so might as well share a few tips para mapabilis tayo lahat on concert day 🫶🏻

WHAT CAN YOU DO?

DO NOT go super early if SEATED yung concert na pupuntahan niyo.

= if reserved seat naman siya at wala namang QN, hindi mo na need makipag unahan. naka reserve na seat mo sa ticket mismo.

hindi ka na nangalay, hindi ka pa nainip, hindi ka pa pinawisan 😭 mag ikot ka nalang muna sa mall then pasok ka nalang siguro around 30 mins before the con starts.

IF standing with QN naman:

make sure naka ready na agad yung QN mo + ticket mo.

= mas okay if chineck mo na QN mo BEFORE concert day. madalas pinopost naman siya few days before the con. usually need lang ticket ID & control number.

okay, let’s say meron ka nang PRINTED QN NUMBER. here’s what you can do para mas mabilis ang strapping:

OPEN that paper already 😭 wag mo na hintayin yung taga strap pa mag bukas nung tupi. maliit na bagay pero malaking time saver siya. (may nakasabay ako grabe yung tupi hahhahahaha)

tanggalin mo na agad ticket mo sa ticket holder/plastic before ka humarap sa staff para iaabot mo nalang agad.

kabisaduhin mo na rin QN number mo 😭 para kapag tinanong ka, masasagot mo agad instead na hahanapin mo pa screenshot mo or mag tatanungan pa kayo ng friends mo sa harap.

What else?
= if may kasama kang family or friends, make sure na 1:1 na yung tickets niyo. hawak niyo na sarili niyong tickets.

mas mabilis kasi derederetso nalang yung flow.
madalas kasi yung “kasama ko siya” 😭 okay gets, pero 1:1 padin ang strapping. mas bumabagal kapag sabay sabay kayo nasa harap nung staff. mainit na nga at siksikan pa.

better if mag antay nalang yung iba sa line tapos tatawagin nalang yung next person.

small things lang siya pero malaking tulong talaga para mas mabilis yung flow for everyone 🫶🏻

reddit.com
u/Own-Personality-2885 — 20 hours ago