u/Perfect_Violinist_26

OA lang ba ako? dahil sa utang ng gf ko sakin gusto ko ng makipagbreak?

Mag-aalmost 3 years na kami ng girlfriend ko. Siya ay 23F, ako naman 21M. Pareho kaming students, kaya naiintindihan ko naman na minsan kapos talaga sa pera.

Noong first year namin, madalas siyang mangutang sa akin para sa pagkain o baon kapag nade-delay yung padala ng tito niya. Usually maliit lang naman yung hinihiram niya, tapos nakakabayad din siya, kaya wala naman akong problema noon.

Pero nung nag-2 years na kami, doon nagsimula yung problema.

Nakilala niya yung pagsusugal at nagsimula siyang mangutang sa akin para may panglaro. Minsan ₱200, minsan ₱300, minsan ₱500. Since nakakabayad naman siya dati, hinahayaan ko lang din.

Eventually, nanalo siya ng around ₱15,000 sa sugal. Gusto niyang bumili agad ng iPad, and okay naman sa akin kasi pera naman niya yun. Pero habang nasa Power Mac kami, bigla niyang sinabi na gamitin ko na lang daw yung Billease ko para sa iPad para may hawak pa siyang cash at hulugan na lang daw niya sa akin yung babayaran.

Pumayag ako kasi pinagkakatiwalaan ko siya.

After nun, nangutang ulit siya sa akin ng ₱10,000. Yung pera na yun ay galing sa extra money ko para sa tuition. Sabi niya, uutangin daw ng tito niya at babayaran daw after ng katapusan.

Tinanong ko siya kung bakit hindi na lang yung pera niya ang ipautang niya. Ang sabi niya, kapag pera niya raw ang inutang ng tito niya, baka hindi raw siya bayaran. Wala rin daw siyang allowance that time.

Nilambing-lambing niya ako hanggang sa pumayag ako. Sabi naman niya babayaran din agad after ng katapusan, kaya pinagbigyan ko.

Kaso lumipas yung katapusan, wala pa rin.

After one month, tinanong ko siya kung nakuha na ba niya yung pera ng tito niya kasi kailangan ko rin yung pera. May mga kailangan akong bilhin at pinaplano ko sanang gamitin yung pera para doon.

Ang sagot niya, nahihiya raw siyang maningil sa tito niya pero icha-chat na raw niya kasi nahihiya rin siya sa akin.

Lumipas ulit ang isang buwan. Wala pa rin.

Hanggang sa umabot ng 8 months na puro dahilan. Minsan wala raw. Minsan hindi pa raw nagre-reply yung tito niya. Minsan iche-chat pa lang daw niya. Paulit-ulit lang.

May small business din siya, pero hindi niya masyadong inaasikaso. Kaya kapag may problema, madalas ako rin yung sumasalo.

Fast forward ngayon, umabot na sa ₱14,875 yung total na utang niya sa akin.

Pinaka-latest yung Billease.

Since pangalan ko yung nasa Billease, ako yung kailangang magbayad. Ayoko namang ma-delay dahil credit ko yung maaapektuhan. Sinabi niya sa akin na wala pa rin daw padala yung tito niya, kaya ako muna yung nagbayad ng Billease niya.

After nun, ilang araw akong nagtatanong kung nagpadala na ba yung tito niya kasi kailangan ko rin yung pera. May gagastusin sana ako para sa vaccination ng dog namin.

Araw-araw kong tinatanong.

Araw-araw din niyang sinasabi na wala pa raw.

Until ngayon, nalaman ko na may padala na pala yung tito niya nung Monday pa.

Meaning, ilang araw na akong nagtatanong kung dumating na yung pera, at ilang araw na rin niya akong sinasabihan na wala pa kahit meron na pala.

Hindi na ako galit solely dahil sa pera.

Galit ako kasi nagsinungaling siya sa akin tungkol sa pera habang ako yung nag-aalala kung paano mababayaran yung utang niya at yung Billease na pangalan ko ang nakalagay.

Pareho kaming students. Hindi naman ako mayaman at hindi rin unlimited yung pera ko. Yung ₱10,000 na pinahiram ko sa kanya galing pa sa extra tuition money ko. Tapos ako rin yung nagbabayad ng Billease para hindi masira yung credit ko.

Tinulungan ko siya kasi girlfriend ko siya at pinagkakatiwalaan ko siya. Pero habang tumatagal, parang ako na yung sumasalo sa mga financial problems niya.

reddit.com
u/Perfect_Violinist_26 — 8 days ago

SELLING - 50k (negotiable)

League of Legends PH (SEA Server) - (Updated - 07-26-2026)

Level: 649

Challenges: Diamond

Unranked since 2023.

All Champions unlock.

Transcendent Owned:

  • Immortalized Legend Kai'Sa (Immortalized Legend Collection Bundle - 32035rp)

Exalted Owned:

  • Arcane Fractured Jinx (Banner, Icon, Emotes, Finisher)

"TAKE NOTE, PICS WITH "UNOWNED" ARE SKINS THAT I DON'T OWNED!!!"

RFS: Need funds for business.

DM me for more info.

u/Perfect_Violinist_26 — 15 days ago