u/Plastic-Pattern-5281

Saan magrereport? Based on my exp.

Hi 37F.

Ang daming nagtatanong sa akin kung PAANO at SAAN daw magrereport. Kwento ko lang experience KO... Actually 2 OLAs ang nireport ko na HINARASS ako sa text kahit hindi ko pa due. Bago pa lang ako sa OLa non. and takot na takot tlaga ako pero tiniis ko ung pananakot nila hanggang sa 2 days after my due date tumawag na sila sa NON ref ko kaya nireport ko na sila... Ito ung process at ginawa ko. BASED PO ITO SA EXPERIENCE KO HA.

  1. Nag gawa ako ng personal email / message ko sakanila. Sinabi ko na ginugulo ako nitong OLA na to chuchuchu. Dito ko sinend:

crd@nbi.gov.ph acg@pnp.gov.ph pnpacgcfcu@gmail.com epd@sec.gov.ph flcd_complaints@sec.gov.ph report@cicc.gov.ph cgfd_enforcement@sec.gov.ph complaints@privacy.gov.ph paocc.operation@op.gov.ph e_sumbong@pnp.gov.ph onlinelendingcomplaints2025@gmail.com

  1. Nagreply dyan agad yung: Onlinelending complaints na eadd... Hiningi na LAHAT ng details. Like SS, vids, messages, kung nangulo sa friends and family pati ss ng msgs sknla and calls etc and i-aadvise ka din mag accomplish ng Google form. (may link na ibibigay).

  2. Second na ngreply dyan is ung report chuchu.. Mas marami ng details ang hinihingi.. actually same lang sila nung una ngreply pero mas detelyado ung hinihinging info nito. Mas matrabho kasi isususlat mo yung nos ng call and text logs mo (dto sumakit kamay ko hahha sa dami ng tumtwag sa no ko non) send ss, etc. Madami. Pero tyagain nyo lang kasi nagreply to agad sa akin. Pagreply sa akin may Complaint No na agad. So aun. Medyo nakahinga na ko nito non kasi may ticket no na kumbaga.

  3. 3rd na nagreply ung epd at complaints chuchu... Hindi ko na nareplayan ung email nila. Parang nakampante na ko dun sa dalawang nasendan ko. So nadeadma ko na ung email nito dalawa.

  4. And last... and pinaka msarap sa feeling ung reply ng CICC. Naka undergoing process chuchu na daw ung complaint ko. and meron pa mga nakasulat don na mga dapat mo gawin for your protection and safety so sinunod ko lang yun. Yung reply nito nagbigay saken ng lakas ng loob.

Sa unang email ko pa lang naka CC DYAN ung dalawang OLas na nangharass saken pero inalis nila. PERO AFTER ko magreport hindi na sila nagparamdam sa akin. As in ZERO. wala ng texts, calls or emails. Ilang buwan na nakalipas pero wala na talaga sila paramdam baka nabura na ko sa isipan nila. (sana) Hahaha!

Nagreport din ako sa forms-receipts-noreply@google.com Pinagfill up ako ng Imessage Portal chuchu... Meron don pipiliin mo ung OLa name and isususlat mo ung complaint mo.

KAYA MAGREPORT KAYO. TYAGAIN mo OP! :) Kung hindi mo gagawin ngayon, kailan pa? Kaya kilos na. Goodmorning!

reddit.com
u/Plastic-Pattern-5281 — 2 days ago

Deadmotology

Hi 37F.

Araw araw ako nagbabasa dito and parang tama ung isang OP na nagpost nung nakaraan...Na parang hindi nagbaback read yung ibang mga nagpopost dito. 🤭

Simple lang yan...

Kung WALA ka pa pambayad, DEADMA.

Kung takot ka mapost at mapahiya sa soc med pero wala ka pa pambayad, DEADMA.

Kung takot ka baka mapuntahan ka sa bahay nyo o sa office mo at wala ka pa pambayad, DEADMA.

Kung takot kang magcontct sa ref and non ref mo at wala ka pa pambayad, DEADMA. (at kung contactin ang non ref mo o kung sino man, may choice ka it's either aminin mo totoo o magisip ka ng dahilan o palusot then DEADMA).

Bakit mo sila papansinin at kakausapin kung Wala ka namang pambayad?? DEADMATOLOOOOOGY ang sagot kapag gusto mo muna magkaroon ng peace of mind dahil d mo pa masettle mga olas mo.

MAG OFF SIM, CHANGE SIM KUNG KAYA, No VIBER or any app na ma-memessage ka. Change name sa FB, Untagged photos and posts. Tipong parang hindi ka muna nageexist sa mundo. Ganon!

KAPAG NAPOST KA, HINARASS KA, NGCONTACT SA NON REF, magRERORT ka na agad. Wag mo na antayin na magpaulit ulit sila bago mo aksyonan . Wag mo na pataglin pa. Isearch mo dito How to report olas, or sa google. Magbasa. Magcocopy paste ka na lang. Huwag tamad. Pwede ka rin mag save at mag SS ng posts dito para may guide ka.

Kapag na HV ka or nagsasabi na IHV ka, aba d sge! Ihanda mo ang evidence mo kung sakaling awayin ka pag nag HV. Ivideo mo sila.

Yung mga text, or emails nila na demand letter, visit etc DEADMAAAAA. Scare tactics lang nila yan!

NORMAL na sa mga Olas at agents ang manakot, magpost, at mangpahiya. Yan ang trabaho nila e, takutin ka para magbayad ka ka-agad.. KAYA WAG KAYO MATAKOT SA MGA PANANAKOT NILA. KASI SADYANG GANYAN ANG GGAWIN NILA LALO NA KAPAG ALAM NILANG TAKOT KA.

FACE the consequences of your actions / decisions.. Kung nung umutang ka malakas loob mo, MAS LAKASAN MO LOOB MO NGAYON. TRIPLEHIN MO.

Accept na hangga't may utang ka hindi ka 100% at peace PERO may choice kang DEADMAHIN MUNA SILA. ang kaakibat ng DEADMA ay ang pagtanggap ng pananakot at pangungulit nila PERO hindi mo dapat ipapakita na natatakot ka... DEADMATOLOGY pa rin ang sagot sa lahat.

at sa mga gusto mag PAYMENT RECON, at DISCOUNT... Iemail nyo sila ng ganyan kapag may pera na kayo. Kasi kahit pagbigayn ka nila at kung hndi pa sakto ang amount na nasa kamay mo, ano sense ng request mo? wala. D mo pa rin mababayran ng maayos o buo.

The more na pansinin nyo ung mga ola na yan, the more na replyan nyo, the more na kausapin nyo, LALO KAYO GUGULUHIN NYANG MGA YAN KAYA DEADMA IS THE KEY. Tska nyo na sila kausapin kapag kaya na sila bayaran. Step by step mattpos din yan.

legal, fake or illegal OLAs pare-parehas lang yan. Gagawa at gagawa sila ng paraan para singilin or magbayad ka. Utang can wait. Stop tapal system. EMERGENCY FUNDS pa rin ang PRIO. MAGIPON KA MUNA at para may pangbayad ka sa olas na yan.

Deadmaaaaaaa, Kumilos, Magbasa, Magplano, magreport, magdasal.

reddit.com
u/Plastic-Pattern-5281 — 6 days ago

Ola agents

Hi 37 F.

Kung ola agent ka na ngpapanggap sa comments ko at sa private message sa akin eeee tumigil ka. Wala ka mapapala saken oy. Ramdam kita. Kayo. Alam ko kapag ang storya nyo ay bulok. D nyo ako mauuto basta basta.

I'm SINCERELY posting here and nagcocomment ako based sa experiences ko at sa mga experiences ng mga nakakausap ko dito. Gusto ko tumulong at magbigay ng positivity sa mga ginugulo nyo.

Kaya kayong agents na nang HAHARASS wag kayo tumambay dito sa impyerno kayo tumambay.

reddit.com
u/Plastic-Pattern-5281 — 9 days ago

54 days OD

Hi. 37F

Anim na OLAs pa ang OD ko... worth 53k pa ang kailangan bayaran sa anim na OLAs na yun... (FOHMST)

Deactivated sim. On ang gmail. No viber. no whatsapp. Private FB. No tiktok or other soc meds. less browse ako sa mga fb page lalo na yung mga connected ang mga posts about OLa. Dito lang ako sa Reddit nagbabasa. Never pa naman ako napost. No contact sa non ref. no HV. Minsan nagshshare din ako ng experiences ko sa comments or sa messages.

araw araw may Ka-PM ako about sa mga nangyyri saknila. Sa mga struggles nila sa OLAs. Yung iba naging "stranger friends" ko na dito. Mga karamay sa nangyayari sa buhay hahaa!. Update update ganyan. Kamustahan araw araw. Happy sa mga small wins kapag nakabyad na. Laking tulong ni Reddit sakin lalo na nung bago pa lang ako dito.

nakaka sad at nakaka kaba pa rin minsan. (minsan na lang) Mas nakakatulog na ng mahimbing lately. (Dati kasi iiyak muna bago mtlog) Mas magaan na sa pakiramdam. (Hindi na masyado nag ooverthink) Unti unti nakakagalaw na ng maayos. (Nasasanay na sa routine) Less stress na kumbaga. (Laking tulong ng Deadmatology 100%)

EVERYDAY ang dami ko nababasa na napopost sila, hinaharass sila, ngcocomment sa fb nila or sa fb ng friends at relatives nila, pti sa brgy page daw, tmtwg sa non ref nila, etc. Isa lang ang gagawin nyo... IREPORT SILA. Tyagain nyo lang. Isama nyo mga email add nila sa email nyo sa gov't agencies para alam nila na inaaksyonan nyo gingawa nila sainyo. Report lang. Wag sila replyan sa txt /email / comment / messenger. Mapa legal o illegal apps mga pasaway tlga.

Sa mga nagtatanong kung ano ang UUNAHIN BAYARAN sa mga Olas: unahin nyong bayaran ung mga nagpopost sa soc med at ung mga nanghaharass (lalo na kung medyo mahina ang loob mo at worried ka na baka mapost ka). Second isunod mo ung swak sa cash on hand mo. Diskarethan mo na lang ng maayos kung alin sa apps ang kasya sa pera mo.

Sa sitwasyon natin na may utang sa olas, Expect the unexpected na.. Para handa na tayo at d na masyado masaktan.

Yung mga NAPANGHIHINAAN NG LOOB AT NAWAWALAN NG PAGASA, isa lang masasabi ko... Isurrrender mo lahat kay Lord. Alam kong madali sabihin pero mahirap gawin... Trust his timing. Proven and tested. Wag ka mapagod magdasal at magtiwala na magpoprovide sya. Been there. From almost 200k na bayarin ko, down to 53k. 🥹 Na settle ko in less than a month. Nagugulat na lang ako may pambyad na sa harap ko. Nandyan dn ako noon sa pakrdmam mo.... Umiiyak, natutulala na lang bigla, d makakain, d maktulog ng maayos, nagoovrthink, gsto ng iend ang buhay, lahat na. Panay nega feelings.. pero ito ako ngayon, LUMALABAN PA RIN. Kaya lumaban ka rin!!!! Kapit ng mahigpit sa taas! 👆

Yang anim na OLAs ko i-deadma ko pa rin. Antay nyo lang ako dyan mga OD ko.Haha!. Pero please lang magbehave pa rin kayo habang wala pa ko pambayad sainyo. 🤭

54days OD. From almost 200k down to 53 👆🙏🥹 May utang pa rin pero mas payapa na. Laban mga ka OLa! 💪🙏

reddit.com
u/Plastic-Pattern-5281 — 13 days ago

Honeyloan

Hi 37F.

Ask ko lang kung meron na ba dito nakipag communicate sa Email ng Honeyloan asking for payment reconstruction? Ano po experience nyo? Pumayag po ba sila sa payment terms nyo? TY! :)

reddit.com
u/Plastic-Pattern-5281 — 18 days ago

Tanong lang po.

Hi 37F

Ngayon lang po ulit magtatanong dito. Sa mga OD na nasa Collections Agency na yung account nyo, ano po exprience nyo? Gaano na po kayo katagal OD?

Do they contact your Ref and non ref? o ang gumgawa lang nito is yung OLA agents?

and so far may na home visit na po ba sainyo? Rizal Area. TY

reddit.com
u/Plastic-Pattern-5281 — 24 days ago

42 days OD

Hi 37 F

42 days OD sa 6 OLAs. (DONT ASK ME NA PO KUNG ANO OLA)

Experience ko?

Panay lang sila texts and calls nung bago bago pa lang ako OD. Pero ngayon na 42 days na kong OD ONTI na lang ang nangungulit. Sa email dati halos araw araw, ngayon once or twice a week na lang. Naka off sim ako since bago ako ma OD. Binbuksan ko twice o thrice a week, after magbasa, delete, off sim ulit. calls marami nung umpisa pero habang tmtagal nawawala na. Haha! NANANAWA na siguro sila.

NO POSTING. NO CONTCT SA REF AND NON REF (sana forever na to)

NO HARASSMENT AKO NABASA kahit isa.

PAANO?

OFF SIM. As in tangal sim sa phone. Not airplne mode. Yan ang the best! paramdam nyo saknila na kiber kayo.

NO soc meds, viber, tiktok o kung ano man yan. (Tiis mode muna)

Uninstalled ALL OLAS. clear data, clear files, clear cache.

I-remove account nyo muna sa phone nyo GMAIL nyo para hindi kayo nsstress magbasa. Ichexk nyo na lang paminsan minsan

Kung mapost man kayo gamit dummy account nila wag nyo pasinin! Kasi para d nila mafeel na active kayo. Deadma ganon.

Kapag napost kayo sa brgy page, or na comment kayo, dont reply or comment, Ss everything then report agad.

Kapag may ngcontct sa ref and non ref nyo at ayaw nyo sbhn saknla ang totoo about sa utang nyo tell them nascam ka. Tell them to block the no, dont engage, ayusin settings ng fb lalo na ung msg req and mentions, block the fb, ss then report.

Basta wag nyo sila papansinin hanggat wala pa kayo pambayad. Kasi hindi tlga kayo nyan titigilan... kapag nreplyan nyo tpos wala pa kayo pang settle. balikan nyo na lang sila kapag may pangbayad na... .

tyagain nyo magreport, malaking bagay un.. Tiwala sa taas!

reddit.com
u/Plastic-Pattern-5281 — 26 days ago

13 OLAs to 6 OLAs

Hi 37 F.

13 OLAs down to 6 (Cant mention the 6 olas baka watching ang agents)

4 sa tao down to 0 (Worth 36k sa kanilang apat na)

Nakahinga ng maluwag. Hindi pa sobra sobra pero medyo lumuwag na sa pakiramdam. 🥹

Slowly but surely.

Ikaw na nagbabasa nito kung stress at problemado ka trust GOD's provision. Trust HIS timing.

Wag matakot sa OLAs. Kapag wala pambayad, deadma muna. Huwag mo hayaan kainin ka ng takot. Kapit at laban lang!!!!

6 OD OLAS ( hindi ko na i-mention names)

  1. Pinakamakulit, No harassments, panay calls and texts.

  2. Wala ng paramdam sakin. No emails, texts na. Calls not sure.

  3. OA sa Interest, araw araw meron. Panay ang email at texts.

  4. Panay email ng payment reminders. No texts.

  5. Panay texts and emails.

  6. Panay Email

Sa anim na yan wala pa nagcontact ng Ref and Non ref ko. Calls not sure kung alin dyan ang makulit, pero ung no.1 talaga pinakamakulit sa Text. Deadmatology muna ako ulit. Balikan ko kayong anim pag may pambayad na ulit. Off sim (nagoopen lang to check messages then off ulit). Sa email inoopen ko lang din para alam ko kung mag offer na ng dscount or princpal na lang) No soc meds, or any way na macocontact nila ako.

Olas paid:

  • Pita Cash (Na OD ako dito ng 2 weeks pero nabawasan pa ung amt na to pay ko) No harssmnt and posting Mabaet sila.

-PXT (na od rin ako dito ng almost 2 weeks. Panay payment reminders lang. walang harassments, posting or anything)

-Tala Android (Binayran ko na agad kahit sa katapusan pa ang due kasi mabait to sakin. Never ako nireject)

-Cash express (Not OD. Binayaran ko na kasi sabi nagpopost daw to)

  • Maya Credit (Not OD. Binayran ko na. Para pag nangilangan ako ulit kapitan ko sya hahaha)

-Xklash (Not OD. Binayaran ko na. Nagpopost daw kasi to at nanghaharass. Inunahan ko na hahaha)

-Kviku- Saktong due date ako nagbayad. Panay email lang to ng payment reminders. Before na OD ako dito tapos nabayaran ko. Then pinayagan pa ulit ako mag reloan... Oh dba? Baet!

-Light Kredit -Na OD ako dito pero no harssmnts. May maliit na interest since na OD ako. No posting.

Nakahinga hinga. Claiming na matapos na sila bago matapos ang August. Amen. Kapit mga Ka OLAs!

reddit.com
u/Plastic-Pattern-5281 — 1 month ago

Weekend

Hi 37 F.

3 days straight naka open ang sim cards, naka open ang gmail and 3 days straight nagiisip.. WOW. ngayon na lang ulit. Hahaha! Yes kaya ayon unli ang notifications HAHAHA!

But last night naisip ko 3 days naman akong stress, mahugot muna ang sim, mapahinga muna ang utak ko... deserve ko naman mamahinga muna saglit... sa lunes na ako ulit magpapaka stress 🤭 8 OLAs OD na ko.. More to come bago matapos ang july.. grr. Not proud ofcrz but 100% TRUSTING GOD'S PLAN AND PROVISION. IN HIS TIME. 🙏

Kaya IKAW na stressed ng monday to friday, STOP mo muna ang stress today. Off sim, off emails muna.. Wag ka muna magisip pano ka magbabayad..Enjoy mo ang weekend! Divert mo ang isip mo. Tumawa ka today and tom! :)

DESERVE MO maging at peace para hindi ka ma-drain. After all, health is wealth! Happy weekend mga ka OLAs! 🤭💙

Ps. Sa mga agent dyan ipahinga nyo rin sarili nyo para hindi kayo magkasakit. 🙄

reddit.com
u/Plastic-Pattern-5281 — 1 month ago

Tahimik ang OLAs

Hi 37F.

Pansin ko lang TODAY tahimik ang OLAs na meron ako bukod sa nagiisang OLA. 🤭 Nagiisa syang unli sa texts and calls. No harrasments naman pero panay reminders na para bang hindi ako marunong magbasa. char.

Wala masydong email, call and texts TODAY.

Since yesterday naka open sim ako, open din ang gmail.

Kahpon medyo marami e. pero today kakaiba. Hmmm. :)

Nakakatakot ha? Hahaha!

Sana ganyan sila everyday.. Sana mabaet lang kayo lagi.

Sana isipin nyo na lang patay na ko. 🤭

sainyo tahimik ba mga OLAs nyo? :)

reddit.com
u/Plastic-Pattern-5281 — 1 month ago

OLAs

Hi 37F.

Ishare ko lang experience ko at mga ginawa ko before ako mag due.. not sure if makakatulong sayo to pero gusto ko pa din ipost kasi baka kailangan mo rin subukan.

Last week of May naglinis na ako ng phone ko. (Kasi sure ako na hindi ko PA talaga mababyaran ang mga OLAs ko ng June-July). Naglinis ako hindi dahil tinatakasan ko sila kundi para makaiwas ako sa malalang stress. Pag nakikita ko pa lang kasi ung mga apps kinakabahn na ako e.

Una, I listed LAHAT ng to pay ko sa Notebook. Nakasulat doon ung

Due date - what OLA - amount

Then pumunta ako sa FILES folder. I checked eveerrry folder. And ayown nakita ko na, ang mga OLAs ko ay may folders under files.. Nakita ko don ung mga log ins ko, ung selfie at Valid ID ko, may face live ekek pa. Hindi ko na viniew lahat, delete agad.

After ko madelete sa files folder, nagpunta ako sa Apps Settings. Lahat ng OLAs ko niclear ko ang data at cache. as in dapat zero. Tsaka ako nag turn off ng permissions sa permissions manager (android po phone ko).

After mg double check ng lahat, Uninstall the app. Goodbye.

TILL TODAY, hindi ko na sila ininstall to check or what. DEADMA. Kasi may list naman ako ng to pay ko, and kung kailan ang due. notebook is life. char. Tsaka ko na sila babalikan if kaya ko na sila bayaran.

I deleted my Viber then. No whatsapp (eversince), Deleted Tiktok, no soc med na ako after that.

I dont know kung may effect ba yung ginawa ko or what pero sana meron kahit onti. Hahaha! One month OD sa mga OLAS pero wala ni isa pa nagpopost sa soc med or ngcocontct sa ref and non ref ko. (Not sure kung dahil sa ginawa ko, or baka mabait lang ang mga OLAs ko sa ngayon) 🤭

Everyday pa rin may kaba pero I trust the Lord na sya na ang bahala. 👆 Mas lumakas pa loob ko dahil sa bagong post ng SEC recently. Praying and hoping ma magbago na mga bad na OLAs and maging considerate na sila... SANA. SANA. SANA.

reddit.com
u/Plastic-Pattern-5281 — 1 month ago

Sorry.

Hi 37F

Dahil sa nababasa ko lately na "don't trust too much". etc. Hindi ko masabi kung ano mga OLAs ko and may mga "agents" daw dito. Kaya kahit sa message hindi na ko sumsagot ng tanong na "anong mga OLAs mo". Sorry. Hindi sa ayaw ko magshare pero ang hirap magtiwala lalo na't bago lang ako dito. Sorry.

Pero sa mga nagmemessage, nagtatanong, nanghihingi ng advise. Ito lang ang LAGI ko sinasabi and ito ay based sa EXPERIENCE KO.

  1. OFF SIM. Bakit? Ayoko mastress sa mga mababasa ko, at ayoko rin nakikita na may missed o blocked calls ako. ---Source of stress

  2. OFF GMAIL. Bakit? Same sa sim, ayoko may mababasa, makikita na magpapastress sa akin.

-PERO inoopen ko MINSAN para makita ko kung nasa anong stage na sila. Kung mabait pa rin ba, ma harass pa rin, may discount na ba, o baka nalimutan na ko. (sana nga) Kapag may harrassment, SS. Kapag mabaet bulong ng Thankyou. Then off sim and off gmail na ulit.

  1. LAHAT NG OLAs may ibat ibang ways para maningil. Iba't iba din ang approach nila sa loaner pwedeng depende sa amount na sinisingil, depende sa agent, depende kung ilang days, weeks, months ka ng OD at baka depende sa quota.

  2. EXPECT THE UNEXPECTED. Pwede ka iharass malala, pwede ka ipost, pwede mgcall and text sa ref and non ref, medyoooo iready mo na ang self mo para hindi na super masakit. Ngayon pa lang gawa ka na ng ssasabihin mo sa mga contacts mo para reaady ka na kapag "andun" na.

  3. FOR ME, the more na reachable and active ka, mas lalo sila mangungulit na magbayad ka. Kaya I don't reply sa kahit anong texts or emails na. Nung naka on sim pa ako, i don't answer any calls from them. As in. DEADMATOLOGY 100%.

  4. DEADMATOLOGY -Bakit? Eh kasi wala pa ako pambayad sakanila. Kahit anong pakiusap mo sakanila hindi ka nila pagbibigyan lalo na kung bago pa lang OD mo. Tsaka ko na sila rereplyan at i-eemail kapag may cash on hand na ako. Kasi kahit ano request mo sknla at wla ka naman pera wala rin sense.

  5. REPORT - Kapag may harrassment na or napost ka sa soc med, report mo na. Paano? Mgcheck sa google ng "how to report OLAs" basa basa lang kayo dun.. or dto mag search lang kayo. Basa basa lang din.. Antayin ang reply ng govt agencies.

  6. PRAY - Kasabay ng paggawa ng paraan at action para magkapera, ito ang pinaka importante ang pagdadasal.. SURRENDER EVERYTHING TO GOD. Always remember this line "I heard your prayers, trust my TIMING". magwatch din kayo ng mga videos or reels na makakapg uplift ng mood mo, it would give you peace of mind,calmness and hope.

  7. HINDI KA NAGIISA. -always remember that! Marami tayo. Kung walang makausap ng personal pwede dito sa reddit. Same same tayo ng nararamdaman, tayo lang magtutulungan.. Kaya natin to! :)

  8. DIVERT- Idivert mo ang isip mo, make yourself busy para hindi ka isip ng isip ng kung ano ano. Don't stress yourself too much. nakaka stress ang utang pero huwag mo hayaan kainin ka nito.

UMAKSYON. LUMABAN. MAGDASAL. MAGTIWALA SA TAAS 👆 KAYA NATIN TO!!!!!! 💪

reddit.com
u/Plastic-Pattern-5281 — 1 month ago

One month OLAs

Hi 37F.

One month na ko dito at mag almost 1 na rin ang ODs ko. 5 OD ng June, may 2 OD right now, at mukang may 3 ODs pang mangyayari bago matapos ang July... (Gsto ko man isa isahin kung ano mga OLAs na yun kaso baka magising diwa ng mga agent, e wag na lang)

Sa ilang weeks na OD ko ang dami kong nakausap dito. Ang dami ko rin na-sharean ng experiences ko. and vice versa, sinasabi din nila kwento nila at problema nila. Nagdadamayan kumbaga. One month ng may kaba, takot, one month ng nagtatanong sa mga kapwa ko ka OD. Laki ng kailangan kong bayaran sa lahat.. tapos lalo pa lumalaki dahil sa interest (hayyy)...

Kabado na mapost sa soc med, Kabado na matawagan ang mga ref at non references.. Kabado na mayanig ang mundo ko.

PERO ito BUHAY PA NAMAN AKO. Pinipiling LAKASAN ANG LOOB. Pinipiliing MAGDASAL AT KUMAPIT SA TAAS. Pinipiliing ITULOY ANG BUHAY.

Aaminin ko may mga oras na nawawalan na ko ng pagasa pero hindi ko hinahayaang talunin ako nito.. Hindi ko alam mangyayari bukas pero PINIPILI kong gumising at lumaban.. Nadapa man, tatayo pa rin.

At ikaw na nagbabasa nito kung agent ka man, d kita kilala at di mo ko kilala pero sana kapag nabasa mo to HIPUIN NI LORD ang puso mo.. at sa mga tulad ko na napanghihinaan din ng loob, DASAL LANG TAYO. Ga-garduate din tayo sa pagsubok nato!

reddit.com
u/Plastic-Pattern-5281 — 1 month ago

Mr Cash Android

Hi 37 F.

Sa mga may OD kay Mr. cash android can you shre your experience po? Naghahalo halo po sa comments ung about sa mr cash pero mostly nababasa ko is Mr cash IOS. :)

please please ano po experience nyo? Kung ayaw nyo po ikwnto here pwede po pa PM tayo magusap? :) Need ur advice pls. Thankyou.

reddit.com
u/Plastic-Pattern-5281 — 2 months ago

OLAs JUNE OD

Hi 37 F.

almost 1 month na ako dito, and araw araw nakasubaybay sa mga magpopost about sa mga OLAs. (Lalo na ung ka-same ko ng OLAs). Marami na rin ako nakausap na mga natatakot, kinakabahan, gusto ng mawala sa mundo, nawawalan ng pagasa, nanghhngi ng advice kung ano gagawin nila, at kung paano gagawin nila kapag na HV sila. Na kahit ako mismo sa sarili ko hindi ko rin alam ang gagawin.

sa halos isang buwan ko dito, na nagiisip, nagbabasa at nakakarinig ng mga kwnto ng iba narealize ko bakit kaya buhay pa yang mga walangyang OLAs na yan. Mapa Legal o Illegal OLAs nananakot, nangungulit, nagbabanta at nanggugulo sa workplace, sa famly members, sa soc med, matataas ang interest, mga ayaw magbgy ng dscount or recon khit nakikuusap ka na. Narealize ko YUN LANG naman ang kaya nilang gawin. Takutin ka at ipahiya ka. Tapos, ano?

Sige ipahiya ka na. Takutin ka na. Tpos non wala na. Saglit na oras, ilang buwan yes paguusapn ka ng mga tao sa paligid mo, ung iba bababa ang tinigin sayo, lalayuan ka. Then wala na. ang mga taong mahal ka, maiintndhan ka, tutulungan ka. at Lilipas din lahat ng ingay, gulo at problema sa mga OLAs na to.

kanina nakaupo ako sa upuan sa harap ng listahan ko. Nasabi ko na sa sarili ko na " hindi ko na kaya. Let go, let God." Sinurrender ko na sknya to, sya na bahala sa akin. Mapahiya man ako, lilipas din yun.. Mattatapos rin yun. Kesa nabubuhay ako ARAW ARAW na may TAKOT, KABA, TANONG sa kung ano mangyayayre... nakakapagod. Nakaka drain. ang bigat sa dibdib. Nakakasira ng mental health. Nagkaskit pa ko ng dahil sa kakaisip.

5 OLAs ang due ko ng June. Off sim pa rin (tinapon ko na). No viber. No whatsapp. Locked FB. Deleted Gmail. uninstalled all olas.. STARTING tom, hindi ko na iisipin ang mga araw araw na iniisip ko ng buong June. Pagod na ko.. Si Lord na ang bahala sa akin.. Hayaan ko na sya 👆. Bahala na sya kung yanigin ng mga OLAs ang mundo ko.. Alam ko pagsubok lang to.

Si LORD na ang bahala sa ating LAHAT. Ikaw na nagbabasa nito tandaan mo unahin mo mental health mo.. wag ka matkot mapahiya o malaman ng mundo ang utang mo. Utang lang yan, d ka naman nakapatay.

Let go, Let God. Piliin mo pa rin MABUHAY.

reddit.com
u/Plastic-Pattern-5281 — 2 months ago

Non reference

Hi. 37F.

Ask ko lang yung mga may experience ng matawagan ang mga non reference nila.. Yung galing sa phone book nyo po.

First loan (OD) nyo po ba don sa OLA nung tinawagan nila non refernce nyo?

reddit.com
u/Plastic-Pattern-5281 — 2 months ago

Tatagan ang loob

Hi. 37F.

​

Sa ngayon 4 OLAs na ang OD ko (and more to go). Off sim. Disabled FB. No viber. No whatsapp. Ito reddit lang ang account na meron ako and gmail.

Nagka financial problem (Health issues) ako kaya hindi ko nabayaran ng maayos ang OLAs ko (and ung mga susunod hindi pa rin kaya). Before okay naman. 2 or 3 days before my due na-sesettle ko na. ngayon hnd pa tlaga kaya. :(

​

Araw araw may kaba ako. Tuwing nagiinsert ako ng sim sa gabi, may mga pumpsok na messages. honestly harrassments sya lalo dun sa isang OLA. Basahin ko lang, then pray. tangal ulit sim. Minsan sa daling araw nagigising ako check ng email baka meron. tpos tulog ulit. minsan hrap na bumalik sa tulog.

​

Kapag ngcheck ako ng email meron din pero deadma. hindi ko nirereplyan. Kasi feeling ko mas hindi nila ako titigilan kapag sumagot ako. Nasa spam sila lahat.. Natatakot ako na mapost or guluhin nila contacts ko (Pero sana wag naman).

​

Ngayon, umaga na naman. Another day, another kaba. Hahaha! Pero tinatagan ko lang ang loob ko. I know with God's grace matatapos ko to. Malalagpasan ko to. Malalagpasan natin lahat tooooo.... Goodmorning.

reddit.com
u/Plastic-Pattern-5281 — 2 months ago

OLA

Hi. I'm 37F. Namomoblema.

​

May mga loan ako sa OLAs. And sa ngayon hindi ko pa sila mababayaran dahil nagka financial problem ako dahil sa health ko. Plano ko I-OD muna sila hanggang magkaron na ko ulit ng ipon...

​

Ano po ba mga experience nyo saknila? Yung mga OD.

  1. supreme

  2. Light Kredit

  3. Kviku

  4. Finbro

  5. Honeyloan

  6. Tekcash

  7. OLP

  8. PXT

  9. Maya Credit

  10. Mr. Cash

  11. Pita Cash

  12. Tala (Uunahin ko to bayaran asap)

  13. Cash Express

​

Nakakastress baka iharass ako.. pero wala pa talaga ako magawa. :(

reddit.com
u/Plastic-Pattern-5281 — 2 months ago