Any advice for credentials for college apps?
disclaimer: hindi po ako native tagalog so sorry po kung may mali2x sa grammar ko
Hello, current Grade 11 student po. As written in the title, desperado na ako for credentials. Honestly, ini-aim ko talaga ang international college (ok lng local basta malayo) pero right now, parang hindi maaabot. Decent naman ang mga grades ko; consistent honor student ako, and I make sure to always work hard; pero kulang talaga ako pagdating sa mga officer positions or competition awards. Paano po makahanap ng mga local (like city or brgy.) youth orgs na pwede kong ilagay sa credentials? Introvert po talaga ako, pero sinusubukan ko po talaga na mas maging social ngayon, pero wala talaga akong connections sa city ko. Pati sa Facebook, puro mga orgs ng ibang school o kaya religious youth groups lang ang nakikita ko. Sa comps naman, as much as I want to join, parang pinapamukha ng lahat ng competitions na sinasalihan ko na bobo ako kasi laging merit o bronze lang. Ang mas nakakadismaya ay ang mamahal ng mga registration fee (or expenses in general). Please po, share any advice you can,,