u/PrimordialShift

should we surrender our dogs? :(

Si mama kasi ang nag-aalaga ng mga dogs namin. Pero noong namatay siya nitong January lang, nagdesisyon kaming pamilya na ipagbilin muna sa kapitbahay/caretaker namin yung mga aso, alang-alang sa gusto ni mama na maalagaan pa rin silang dalawa. Wala na kasi titira sa bahay namin dahil nasa Manila kaming lahat, at hindi rin namin sila kayang dalhin doon.

Recently lang, nag-chat sa akin yung pinsan ko kasi may nagsabi raw na kapitbahay namin na hindi na maayos yung pag-aalaga sa mga aso. Umuwi yung kapatid ko para i-check sila, at nakita niya na sobrang payat na nila.

Tapos nitong mga nakaraan lang din, nabalitaan na lang namin na may nakagat daw na bata yung isa naming aso. Ako pa yung naglabas ng pera para sa vaccine at iba pang kailangan.

Ngayon, pinag-uusapan namin bilang pamilya kung ano na yung pinakamabuting gawin para sa mga aso. Isa sa mga option na napag-uusapan ay kung isusurrender na ba sila. Hindi na kasi namin mapagkatiwalaan yung caretaker namin dahil pinabayaan na lang niya yung mga aso hanggang sa umabot sa point na may nakagat pang bata. Kahit gusto sana naming kami na lang ang mag-alaga alang-alang sa bilin ni mama, hindi talaga namin kaya sa sitwasyon namin ngayon :(

reddit.com
u/PrimordialShift — 1 day ago