


I think I'm not enough.
Mahirap din pala yung single mom ka. Wala kang choice, magtatrabaho ka talaga. Yung pagiging malayo sa mga anak mo, sobrang nakakalungkot. Habang nagtatype ako dito natulo luha ko hahahah sorry po. I just dont find anyone na makakaintindi. Gusto ko lang ilabas. Kasi parang ang unfair talaga ng mundo. Yung mga batang yun di nila deserve na walang nanay sa tabi nila, kaso wala akong choice. Ako lang yung may dala ng lahat. Ang bigat bigat na oo, nabibigay ko yung mga kailangan nila. Pero wala ako dun. Tas may time na yung thought ko, madalas sobrang scattered din. Di ko alam kung anong gusto ko sa buhay. Andaming plano na di ko masimulan para sa future nila. Tas ayaw kong umuwi, kasi pakiramdam ko wala akong ibang kayang ibigay, pagkain lang. Yun lang yung kaya eh. Pero at the end of the day, sobrang kinakain ako ng guilt. Sorry. Nakakapanghina lang talaga. I wish things were different. 💔💔💔