u/Public-Garden-993

▲ 13 r/peyups

[UPD] Losing motivation because of the job opportunities of my course

Ano bang may perang course? Hindi ko alam kung burnout o shitty mental health na talaga pero di ko na magawang makuha yung motivation para ituloy pa tong chem degree na to hahaha. Eto naman talaga yung may pinakainteres ako kaso wala talaga kong passion. Ang sayang aralin pero wala yung "rewarding" o "assuring" feeling na gagaan buhay ko dito. wdym im losing sleep and health, and time for socializing and relationships tapos di manlang papalo ng livable wage yung magiging career ko. tanga ko naman.

Siguro dahil dukha ako na lagi kong inooverthink anong magiging trabaho ko dito. Ang hirap din ng shifting kasi bukod sa ang alanganin ng grades ko umaasa rin ako sa DOST scholarship ko.

Gusto ko sana mag medicine kaso di ko sure kung kaya pa ng powers ko in all aspects (financial, energy, time, etc.). Gusto ko na lang magkaroon ng comfortable na buhay takte. Sana pogi na lang ako para magkaroon ng sugar mom na mayaman at umasa na lang ako. Joke lang.

Hindi ko rin masabayan yung community ng program ko. Parang di ito yung community for me. Idk why pero parang mas trip ko makasalamuha mga GE at PE classmates ko. Parang di ako belong dito.

Suko na ako hahahaha

reddit.com
u/Public-Garden-993 — 2 days ago