almost 2m utang
hello po. im a mom of 2. earning 90k monthly po but joggling 2 wfh jobs at the same time. my husband works from home too but yung salary nya is sa panggastos namin everyday so ang sahod ko po sa utang lang napupunta. wasnt expecting my utang na lumaki po ng ganto. its a mix of poor financial decision plus may times na nagkakasakit, may naoospital, mawawalan ng work and need magstop mag work since nabuntis and nanganak.
so may loan po ako sa bank and naka one year na ako, paying 50k monthly. 1 year to go pa pero ang bigat na huhu akala ko kasi nun macover ng naloan sa bank lahat ng loans from other apps. ang problema nabayaran ko nga pero humiram na naman ako. never naman po ako nalate.
meron din po ako mga spay, tiktokpaylater, lazpay, atome, billease. di ko alam pano ko napapagkasya yung 90k sa lahat ng to (God's grace) but sobrang scared ako na mawalan ulit ng work and paano if may magkasakit ulit sa mga kids or samin ng husband ko. i wanna break the cycle po. any advice pano po ako makakalabas dito? 🥹 takot naman po ako ma OD kasi takot po ako maipost and ayaw ko naman din guluhin nila contacts ko. hindi na po ako makahanap pa ng extra work since both kami ni hubby working more than 12hrs na with small kids pa ☹️ salamat po.