u/Puzzleheaded_Ebb1842

ABYG Kung sasagutin ko yung supervisor ko?

Nag-absent na ako kahapon Tue, May 19, dahil kailangan ko puntahan tatay ko sa Ospital, na pagkalayo-layo sa bayan namin. Tapos kahapon ng umaga pa lang sobrang sama na ng pakiramdam ko para na akong nasusuka, nanghihina, at nagdudumi ako ng fluid.

Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko feel ko para akong lalagnatin pero hindi natutuloy, nasa loob yung init. At dehydrated na talaga dry mouth at nanghihina, kapag kumikilos ako parang ngalay yung limbs ko at may pagkamasakit.

Nagbigay agad ako ng notice sa supervisor ko pagka-uwi na hindi ako makapapasok, at magbibigay na lang kako ako ng medical certificate. After ilang hours ni-like lang ako. Doon pa lang na-off na ako para kasing walang manners.

Tapos ito nagising lang ako dahil nadudumi na naman. Makita ko nag-chat siya, at dito talaga nag-init ulo ko sa pagkasabi niya. Hindi ko alam kung valid ba itong reaction ko, o dahil sensitive lang ako kapag may sakit.

Verbatim:

"luh, Di ba pwedi inuman Ng gamot Yan? start na Kasi nag suspension ni ate [co-store crew] bukas e 2 days yun."

Mind you all, apat na supervisors sila. Tapos isang visor lang talaga sa isang araw, maliban kapag Monday. Kapag may rest day din naman sa amin na store crew ay isa pang Visor din yung inaatas, o kaya nanghihiram sa kabilang branch. Mas focus kasi talaga yung visor sa gas station, kaysa sa convenience store.

Mag-2 months pa lang kasi rito at first job ko pa ito. Feel ko lang ang GG ko na sa binabalak kong mag-reply ng petty, pero sa maayos pa rin na paraan.

So, ABYG?

reddit.com
u/Puzzleheaded_Ebb1842 — 4 days ago