u/Puzzleheaded_Iron_94

ABYG kung nagalit ako sa foodpanda rider kasi wala syang panukli?

Nag order ako sa foodpanda nang lunch ko worth 300. 1k bills lang talaga meron ako that time since kaka withdraw ko lang nang allowance ko. As soon as nakita ko may rider na na nag accept, nag chat ako agad na "sir, 1k po yung pera ko inform ko lang po kayo para maka prepare po kayo nang panukli"

(Nag ch-chat talaga kasi ako sa rider beforehand pag wala akong smaller bills. And so far, never naman ako nagkaproblema.)

Nag assume ako na nabasa nya, kasi mga around 30 minutes din kasi sya naghintay sa restaurant na inorderan ko tapos may isang delivery pa syang ginawa, bago yung sakin.

Pagdating nya, inabot ko yung pera ko. Napahinto sya, tapos sabi nya wala daw syang panukli. Nagtanong sha if wala daw ba akong exact amount? Sabi ko wala sir, ito lang talaga. 1k bills lang laman nang wallet ko. Tapos parang nagalit pa sya kasi wala daw syang panukli. Eh umiba yung tono nya, ang hinahon ko nakipag usap sa kanya. So sinabihan ko sya "sir nag inform naman po ako sa chat na 1k yung pera ko para makaprepare ka" tapos sabi pa nya nang pagalit "nag chat ka? Eh di ko nabasa" so sinagot ko din sya nang pagalit "di ko na yun kasalanan sir. Bakit kayo nagagalit eh nag inform naman ako"

Sinabihan nya pa ko bakit daw ako nagagalit. Sinabihan ko rin sya "mahinahon po akong nakipag usap sa inyo, kayo po yung nagalit, sinuklian ko lang"

Tapos ayun bumubulong na sya sa sarili nya, na para bang gusto nya ako pa maghanap nang panukli. Binigay ko ulit yung pera tapos kinuha nya at naghanap sya dun sa malapit na mga tindahan. Sinabihan pa sya nung mama sa tabi na nakarinig samin, "bakit di mo binasa? Nag inform naman pala" di ko na narinig sinagot nya.

Buti nalang yung tindera sa malapit na tindahan, eh suki ako don. Narinig nya kami nung rider, nag offer sya na may sinsilyo sya.

Ako ba yung gago? Kasi medyo nagu-guilty rin ako after non kasi baka may pinagdadaanan sya.

reddit.com
u/Puzzleheaded_Iron_94 — 3 days ago