u/RBBI88_6840

Ola OD Update

36 F..location NCR listdown ko lang mga ola na OD ko share ko lang para sa iba na nag worries sa mga OD nila baka sakaling meron tayong same ola

BILLEASE 50k- Start March 16 2026 OD - march 16 di ko kaya bayaran ng full kaya nagbayad ako partial lang half amount ng monthly payment ko para sana hindi ma home visit but sad to say 5days later may nagpuntang agent with complete uniform ng billease tinanong ako bakit di ako nag bayad at kung kelan daw sunod kong payment..next april 16 na late ako april 20 na ako nag bigay partial lang ulit then kinabukasan pumunta ulit agent tinatanong kung makapag partial daw ako?!! kahit kakapartial ko lang before that day ng pumunta sya 😅..then this month same scenario nag partial lang ako ulit then kahapon lang nag punta ulit si kuya agent para tanungin kelan ako daw magbibigay kahit partial haha naguguluhan na tuloy ako kasi kahit nag partial payment ako may napuntang agent pa din para lang tanungin kelan ako mag pay kahit partial wth😅

MAYA CREDIT 20k& CASH LOAN 40k- March 2026 OD - nasa collection na but so far puro spam call & text lang may pananakot na legal action and homevisit iniignore ko lang di ko sinasagot calls and even email nila pero wala pa naman nag home visit until now

FINBRO 30k- March 2026 OD - spam calls and text may pagbabanta na ng legal action and small claims pero ignore lang wala pa naman home visit

OLP 12k - March 2026 OD - spam calls and text message for home visit pero wala pa naman nag home visit hanggang ngayon

MOCASA - March 2026 OD - spam calls and text lang wala naman threat ng home visit

SPAY 17k & SLOAN 7k - March&April 2026 OD - spam calls and text nasa 3rd party collection na kaya may threat na ng legal action ang home visit but so far wala pa naman nag pupunta

JUANHAND 45k- March 2026 OD - ito pinaka tahimik sa lahat may text and call nung first month but now wala na di ko na ramdam and wala din nag home visit

CIMB REVI CREDIT - March 2026- ito talaga ini stop ko kasi since 2024 pa ako nagbabayad pero yung credit ko na 49k imbis mabawasan lalong lumalaki kahit di ako pumapalya ng hulog from 2024- Jan 2026 nag file ako ng complaint sa sec at bsp dito sa CIMB kasi until now hindi nila binibigay request ko na credit statement ko since simula …ito grabe to kinukulit yung contact reference ko kasi nga di ko sinasagot tawag nila nasa 3rd party collection na una RGS may threat ng home visit tapos nireplyan ko na waiting ako sa response ng cimb about sa complaint ko tapos nalipat sa isang collection tapos same din sinabi ko ngayon nasa prime alliance naman sya same din nireply ko sa agent so far wala pang home visit

Tonik 30k- April 2026 OD - spam call and text lang wala pang home visit nabasa ko kasi dito 3months daw mag home visit tonik but not sure pa

ATOME CASH 2.5k & CREDIT 7k - March 2026 - spam calls,text and email nung mga 1st month but now medyo hindi na madalas..wala pang home visit as of now

TIKTOK PAYLATER 8k- March 2026 OD - spam calls & text lang nung mga 1st month pero hindi na ngayon ganun kadalas bihira na lang text nila no home visit pa din as of now

grabe diba sobrang lunod ako sa utang dahil sa tapal system pero ewan ko ba bakit netong March ko lang naisipan na ipag stop na talaga lahat at harapin na lang consequences pero lahat yan babayaran ko inuuna ko lang tapusin yung mga utang ko sa tao then sila na next yung maliliit muna…yan lang share ko lang para sa mga kagaya ko na lubog na stop na po tayo utay-utayin na lang natin para matapos na lahat naman may katapusan tiwala lang 😊

reddit.com
u/RBBI88_6840 — 1 day ago
▲ 2 r/u_RBBI88_6840+1 crossposts

Isa ako sa mga nalubog sa utang online dahil sa tapal system, until na realized ko na stop na at harapin na lang ang consequences hanggat wala pa akong pambayad, itong reddit ang takbuhan ko para mabawasan anxiety ko.. at sa mga nababasa ko dito halos mga nabaon sa utang kakatapal dahil sa takot na ma homevisit which is same din sa reason ko kaya ako nag tatapal, dahil totoo may mga garapal na mga collection agent na nang ha harass may nag papakila na police minsan naman attorney para lang matakot ang mga sinisingil, may embarrassment din dahil madaming agent na nag disclosed ng utang sa ubang tao kahit alam nilang bawal…so sana possible na magkaroon ng petisyon sa SEC na ipag bawal na ang pag homevisit ng mga OLA’s legit or illegal hanggat di naman umabot sa million ang inutang..kasi madaming nagkaka anxiety madami na din gustong sumuko na lang sa buhay wag lang maranasan ma embarrassed dahil sa pag field visit ng mga agent… sana lang talaga🙏🏼

reddit.com
u/RBBI88_6840 — 22 days ago