u/Rakiasugoi

Anong po ang kaibahan ng mga salita na ito?

Ano po ang pinagkaiba ng dakasi/dangkasi, kundangan, at yamang.

Nagagamit ko po ang mga iyan pero di ko po alam kung tama ba

Ex.

“Kundanga’y malurit ke ee”
“Dakasi’y malurit ka ee”
“Yamang malurit ka ee”

reddit.com
u/Rakiasugoi — 2 days ago

Where does the word “Biringki” come from?

I’m from Bulacan, and looking back, mas malalim yata akong mag-Tagalog noon. Siguro nag-evolve lang yung Tagalog ko dahil sa mga bagong vocabulary trends.

Recently, I tried looking back at some old Tagalog words while writing in my journal.
May isang word akong naalala from my lola, “biringki/biringke.” Hindi ko alam kung dialect word ba siya kasi wala akong mahanap sa dictionary. Ang nakita ko lang ay sa Tagalog Slang website (https://www.tagalogslang.com/term/biringki), pero wala rin namang nakalagay na origin o etymology.

Naisip ko lang, possible kaya na galing siya sa “biling” (to turn or flip to the other side) plus “ko”? Like “biling ko” na eventually naging “biringki”, with the meaning na “flip” or “baligtarin”? Hindi ko alam, nag-speculate lang ako. Hahaha.

If anyone knows the origin or meaning of this word, I’d appreciate the help. Thanks!

u/Rakiasugoi — 7 days ago
▲ 13 r/Tagalog

Nahihirapan o nakasanayan lang?

Baka may mga linguist, guro sa wika, o mahilig sa Philippine languages dito na puwedeng magpaliwanag.

Di ko naman pinapansin dati pero dahil madalas ako ng Maynila recently at may mga nakababati sa'kin ang kaso di ko rin naman alam paano ipaliwanag sa iba. Ganiyan din magsalita ang lola ko, kaya hindi ko alam kung personal na idiolect lang niya iyon o may mas malawak na pattern talaga sa Bulakenyong Tagalog.

Alam ko na may ilang tunog na madalas mapalitan o hindi gaanong naipapakita sa pagsasalita tulad ng "m" at "w", pero ang pagpapalit ng "a" at "i/e" sa "u" at "a" ang aking napansin:

Karaniwang Bigkas Bigkas/Gamit
kundangan kandangen / kandangin
kunwari kanware
taga tega / tiga
kumusta kamusta
tumungo tamungo / matungo
sumunod samunod / masunod
umusod umasog / umusog / mausog

Napansin ko rin na kahit ginagamit pa rin ang -um-, parang mas karaniwan sa pang-araw-araw na usapan ang mga anyong may ma- o na-.

Karaniwang Bigkas Bigkas/Gamit
umano maano / naano
kumain makain / nakain
uminom mainom / nainom
umupo maupo / naupo
tumayo matayo / natayo
humiga mahiga / nahiga
yumuko mayuko / nayuko
umandar maandar / naandar

May linguistic phenomenon para rito? Posible bang may impluwensiya ito mula sa Kapampangan? O mas matandang anyo lang ba ito ng Tagalog na nanatili sa lugar? Tapos yung paglipat mula -um- tungo sa ma-/na-, simpleng phonetic convenience lang ba dahil mas madali bigkasin ang a kaysa u, o may mas malalim na paliwanag dito?

Interesado akong malaman ang explanation tungkol dito.

Salamat sa sasagot!

reddit.com
u/Rakiasugoi — 1 month ago