
Pwede ko pa bang makasuhan yung absent kong biological father for 25 years?
Last year, my biological father reached out to me via phone call FOR THE FIRST TIME in YEARS. Walang formal na introduction, puro bland-ass apology, and mga kakaibang reasoning bakit sya wala. Sobrang nagcocontradict yung mga actions nya sa mga sinasabi nya. He said sa phone call na he was 'trying' to find me kasi daw tinatago ako ng mother ko sa kanya, e 2 years old pa lang ako, may iba na din siyang family, so anong pinagsasasabi nito na hinahanap niya daw ako for so long. Ofc itatago ako ni mama kasi adik siya that time at binubugbog nya si mama while pregnant with me.
Pinangaralan ko siya tungkol sa drugs at kung paano ’yon nakaka-alter sa thinking ng isang tao, at sagot niya, HINDI daw. Hanggang sa nagtalo na kami kasi nga walang accountability. Gusto nya tanggapin ko lang yung sorry nya through phone call kasi in just months daw patapos na sya sa Caregiving NC II sa TESDA. Before pa kami magtalo sa call, sinabi niya sa akin yung plan niya, which is mag-apply as a driver sa ibang bansa tsaka mag-apply as a caregiver and hindi na babalik sa Pilipinas. HE'S TRYING TO BYPASS THE EMPLOYMENT SYSTEM OVERSEAS.
Bakit gusto kong kasuhan? Hanggang ngayon wala pa din siyang accountability sakin, kay mama at sa second family nya. Gusto niya ring iwan gaya ng ginawa sa akin. Gusto kong hindi na sya makaalis ng bansa. HE IS NOT A GOOD MAN AND A PROVIDER. I HAVE PROOFS. He is just sorry kasi gusto nya lang na gumaan loob nya before sya umalis.