Am I wrong in this?
I am a first time mom. And I have two cute twins.
Alam ko masungit ako and all. But I have to admit that I can’t take care of my LOs alone. Dalawa kasi sila.
I have my MIL who’s very willing to help me. I also have a village behind our back.
Nalulungkot ako na hindi ko sila kaya alagaan magisa.
Babalik na din ako sa work. Sobrang hands on ko sa kanila, ako nagpapaligo, nagpapalit ng damit, at gusto ko sakin lahat dadaan ang desisyon. Hindi pa sila napapaliguan ng iba kasi nga — madamot siguro ako? Gusto ko alam ko lahat ng nangyayari sa kanila at lahat ng kailangan nila, ako magbigay. Hanggang makakaya ko.
Now, I don’t know if it’s my post partum brain pero feeling ko, naeexcite MIL ko na papasok na ako sa office. Although hybrid naman at flexible working arrangement, still may time na mawawala ako sa bahay.
Mali ba ako na iniisip ko yung ganito? Ayaw ko kasi na lumaki sila na maka lola. Lahat ng kilala ko na Lola’s girl/boy, malayo sa nanay. 😔 Sobrang selosa ko rin at overbearing. Gusto ko yung atensyon nila, nasa akin. 😔
Mali ba ako na iniisip ko to? Sobrang damot ko ba sa anak na gusto ko lahat ng pagmamahal na kailangan nila ay maibigay ko to the point na nahihirapan akong tanggapin na mahal din sila ng ibang tao lalo na pamilya ng asawa ko? 😔 Help a first time mom. 😔