rant
nakaka-frustrate maghanap ng trabaho as a CE graduate. halos lahat ng job postings naghahanap ng may experience, pero paano naman kami magkaka-experience kung wala ring gustong mag-hire ng walang experience? minsan naiisip ko sana mas maging hands-on at practical ang curriculum kaysa puro theory. mas maraming site exposure, actual construction practices, at industry skills sana ang ituro dahil sa real world, iyon din naman ang hinahanap ng employers. hindi ko sinasabing alisin ang theory, pero sana mas balanced para hindi ganoon kahirap ang transition from school to work at mas maging job-ready ang mga fresh graduates