Hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-explain yung nangyari sa ancestral house namin sa Bataan.
Share ko lang ’to kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-explain.
Noong 2016, college pa ako at mag-isa akong nakatira sa ancestral house namin sa Bataan. Matagal nang may kuwento sa pamilya namin na may mga dwende raw doon. Hindi ko alam kung naniniwala ako, pero dahil lagi akong mag-isa, minsan kinakausap ko sila out of curiosity.
Isang gabi, pinatay ko na yung ilaw, humiga ako, at pumikit. Ilang segundo pa lang, bigla akong nakaramdam na parang may mabigat na tumalon sa kama. Hindi simpleng umalog yung higaan—talagang ramdam kong may lumanding.
Sa sobrang gulat ko, binuksan ko agad yung ilaw.
Walang tao. Walang hayop. Wala talaga.
After nun, lalo akong napaisip kung may nakatira nga ba talaga sa bahay na ’yon. Hanggang sa isang araw, pabiro kong sinabi habang mag-isa ako:
“Kung may dwende talaga dito… buntisin niyo nga ako.”
Months later…
Positive yung pregnancy test ko.
Mas lalo akong kinilabutan noong ipinanganak yung baby ko. Pointed yung ears niya, parang elf. Hindi ko maiwasang maalala yung sinabi ko noon. Pinatapalan namin yung ears niya noong newborn pa siya kaya naging normal naman ang shape habang lumalaki.
Alam kong may medical explanation sa pointed ears, at hindi ko sinasabing connected talaga yung dalawang pangyayari.
Pero hanggang ngayon, kapag naaalala ko, kinikilabutan pa rin ako.
Coincidence lang ba talaga… o may ibang nangyari sa bahay na ’yon?
May naka-experience na rin ba ng ganito, lalo na sa mga lumang bahay sa Bataan?
EDIT: Currently under full renovation na yung bahay na 'to. Siguro kaya ko rin naisipang i-share — marami akong memories ng childhood doon, at parang gusto ko lang ma-document bago mabago na ang lahat.