u/Ritzy0909

▲ 327 r/adviceph

Pedophile ata ang husband ng ate ko

Problem/Goal: Minamanyak ng husband ng ate ko ang mga school girls namin. Ang bigat ng pakiramdam ko kasi di ko alam pano sasabihin kay ate pati na rin sa mga magulang ko.

Context: May dalawa kaming school girls na pinapaaral, isang grade 11 at isang grade 12. Yung g12, since grade 5 pa siya nandito saamin. At yung grade 11 naman, mag 2 years palang siya saamin. One time pagka uwi ko, nag sabi sakin yung g11, hindi niya na daw kasi kaya. Tinry daw siya halikan ng husband ng ate ko. Nanginginig yung bata tapos parang naiiyak. Syempre nagulat ako. Kasi jusko 16years old lang yung bata tapos si kuya(husband ng ate ko) nasa 30+ na. Pedophile ampota. Tinanong ko if first time lang ba nangyari. Sabi niya ilang beses na daw, pag wala kami sa bahay. Meron daw one time, inaya siya ni kuya na mabilis lang naman daw tas babayaran daw siya if mag s*x sila. Syempre umayaw ang bata tapos sinabihan siya na papagalitan siya ng tatay niya if gagawin niya yun. Tapos may times padin na tina try siya halikan sa lips. Sobrang nanggagalaiti talaga ako. Tapos yung g12 naman, tinanong ko if ginawa na din ba yun sakanya. Sabi niya, oo din daw. Tina try din siya halikan, pero sinabihan niya si kuya na susumbong niya kay ate pag pinilit niya pa halikan ulit. Kaya di na siya masyado minamanyak ng pedo. Tapos one time din daw na sa kotse sila, pinipilit ni kuya na mag kiss sila tapos babayaran niya daw yung bata. Syempre umayaw ang bata. Galit na galit ako ngayon, as in. Ilang days ako di makatulog. Kasi syempre mga bata yan. Bakit niya babastusin. Ang problema lang, mahal na mahal ni ate husband niya, ata baka baliktarin ng husband niya ang mga bata. Kawawa naman yung g12 wala na magulang at siya nalang talaga mag isa sa buhay. Yung g11 sobrang hirap ng buhay nila sa bundok. 1 hr and 30 mins na lakaran bago maka baba.

Previous attempts: sinabihan ko na if minsan na mag isa lang sila sa bahay. Tapos umuwi si kuya. Mag ready sila ng phone nila kahit voice record lang or video. Para may proof. Ayoko kasing baliktarin sila.

reddit.com
u/Ritzy0909 — 11 days ago